^

PSN Showbiz

JC, hindi napigilan ang kilig kay Piolo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
JC, hindi napigilan ang kilig kay Piolo
JC Santos
STAR/ File

Pati si JC Santos ay aminadong kapag si Piolo Pascual ang kaeksena niya sa pelikulang Mallari ay nakakalimutan niya ang kanyang mga linya.

Hahaha.

‘Yup, hindi lang mga babaeng artista ang nagkakaganun ‘pag nakakaeksena si Papa P.

First time nakatrabaho ni JC si Papa P sa pelikulang Mallari na nagkaroon ng Media / Fan Conference last Friday sa MOA.

“He’s (Piolo) the epitome of a walking disciplined guy. Wala akong masabi. Working with him, sa na-experience ko, ako from the theater, I know my lines well, but whenever I’m in front of him, I miss a lot of things,” pag-amin ni JC sa ginanap na grand mediacon ng movie na parang kinikilig din.

“He’s a different guy. I mean, lahat binibigay niya sa ‘yo. He’s so generous and it works so well whatever he does. Kahit anong gawin niya sa screen. I have so much respect for him as an artist,” dagdag pang papuri ni JC kay Papa P na sa totoo lang ay pulos papuri ang natatanggap sa lahat ng mga nakakatrabaho dahil sa kabaitan nito sa totoong buhay.

Sabi pa ni JC, “It’s such a privilege to be working with him,” na umaming hindi na matutuloy ang nauna niyang sinasabi na iiwan na niya ang showbiz.

Maalala ngang last year ay sinabi ni JC na iiwan na niya ang showbiz.

Pero aniya, may mga natanggap na siyang trabaho for next year, pelikula at play kaya hindi niya talaga maiiwan ang showbiz.

Gagampanan ni JC ang character ni  Bro. Lucas sa #MallariTheMovie na kabilang sa #MMFF2023.

Kasama rin sa pelikula sina Janella Salvador, Gloria Diaz, Elisse Joson at marami pang iba.

Mapapanood ito sa Christmas Day, directed by Derrick Cabrido, produced by Mentorque Productions and distributed by Warner Bros. Pictures.

JC SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with