Rhian, rumampa sa libingan ng mga bayani
Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na pinarangalang Ambassador of Peace for the United Nations Association of the Philippines.
Binigyan pala siya ng medal para sa kanyang importanteng role at isa raw pribilehiyo ito sa kanya na bigyang pagkilala.
Caption ng karelasyon ni Sam Verzosa sa kanyang post kung saan kasama ang kanyang litrato nang tanggapin niya ang kanyang medal, “It is with deep humility that I accept this prestigious President’s Medal as an Ambassador of Peace. It is a privilege for me to be part of this collective effort towards the realisation of the United Nation’s sustainable development goals.”
Ito raw ang pruweba na meron tayo lahat papel na dapat gampanan para bumuo ng mundo kung saan ang kapayapaan ang nananaig.
“This is proof that we all have a role to play, even in our most humble ways, to create a world where peace prevails, where differences are celebrated and where everyone can thrive in respect and understanding,” dagdag ng Sang’gre star.
Pinangunahan pala niya ang lighting of the candle of peace sa Peace Gathering event na ginanap nakaraang buwan sa Libingan ng mga Bayani.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang leadership, officers, at ang office of the United Nations Association of the Philippines sa pagkilalang ito.
Bukod sa maganda, sexy at talented ay ambassador pa siya ng peace. Bagay na bagay talaga ito sa kanya.
Isa talaga si Rhian sa may pinakamagandang mukha sa showbiz at nagmukha pa siyang anghel at diyosa sa kanyang suot sa event.
- Latest