Scarlet, rumampang dalagang Pilipina
Ang bongga naman ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo na isang little Dalagang Pilipina sa kanyang latest look.
Nagsuot siya ng traditional attire kung saan makikita sa kanyang litrato ang white top na suot niya na tila baro’t saya na tinernuhan niya ng isang yellow plaid sash.
May event pala sa kanilang school na Filipiniana Day kaya ganoon ang kanyang suot pati na ang kanyang mga kaklase. Kaya’t nagtanong siya sa kanyang post kung ano ang mga bagay na puwede niyang ibahagi sa mga kaklase na hindi pa alam ng mga ito.
Caption niya sa kanyang litrato suot ang Filipiniana, “It’s Filipiana Day in our school and I get to share our wonderful Filipino culture with my classmates. What do you think I can share with them that they don’t already know?”
May dagdag pa siyang tanong sa kanyang caption kung saan hindi raw nito alam ang paggamit ng salitang ‘naman’ na madalas gamitin ng mga Pilipino na tinulungan naman siya ng netizens.
“(Btw, I still can’t explain what ‘naman’ means, so if you know the answer please help.)”
Ang cute talaga ng anak nila Dra. Vicki na hirap siguro sa Tagalog pero willing itong matuto.
Isa pang kahanga-hanga rito ay may iba pa itong alam na lenggwahe gaya ng Chinese.
Unti-unti na rin itong nakikilala bilang fashion personality na naranasan nang rumampa sa fashion show, at bukod doon talented pa ito na mahilig ding kumanta, sumayaw at magsulat.
Ang bongga naman talaga ni Scarlet na lutang na rin ang ganda habang lumalaki. Hindi imposible kung sakaling pasukin din nito ang showbiz.
- Latest