Lotlot, ayaw umimik sa breakup nina Janine at Paulo
Ang dami pa rin talagang interesadong malaman kung ano talaga ang katotohanan sa break-up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero pawang haka-haka pa rin ang mga kumakalat at patuloy na pinag-usapan.
Hindi napapansin ang isyung diumano’y hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Lalong lumalakas ang bulung-bulungan kina Paulo at Kim Chiu. Personal daw na pinili ni Kim na si Paulo para maka-partner sa Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim.
Sayang at wala si Janine sa katatapos lang na Eddys awards ng grupong SPEEd na ginanap sa Aliw Theater nung Linggo.
Si Janine ang hinirang na Best Actress mula sa pelikulang Bakit Di Sabihin, naka-tie si Max Eigenmann ng pelikulang 12 Weeks.
Ang ina niyang si Lotlot de Leon ang kumuha ng award, at medyo emotional pa siya nang tinanggap niya ang naturang award.
“Iba ‘pag anak e. I’m so proud of her,” pakli ni Lotlot nang sandali naming nakatsikahan pagkatapos ng awarding.
May pahaging kami na tanong kay Lotlot tungkol sa lovelife niya, na bilang ina, nandiyan ang support kay Janine na ang dinig namin ay single na siya.
“You know what, ang importante masaya ang puso whether she’s single or not single,” safe na sagot sa amin ni Lotlot na naging Best Supporting Actress din ng Eddys nung nakaraang taon.
“So, ang importante, just focus, she knows what she wants in life. And I’m super happy now na meron siyang award for best actress,” sabi pa ni Lotlot.
Sinundan namin ng tanong kung ano ang ipinapayo niya sa kanyang anak na nasasangkot sa isyung break-up.
“Mas magaling mandedma yung anak ko kesa sa akin. ‘Yung anak ko parang na-practice na niya na hindi lahat pinapatulan. So sa totoo lang, wala siyang ano sa mga tsismis,” sagot sa amin ni Lotlot na napaka-sweet pa rin sa mga entertainment press kahit nakakaintriga ang mga tanong.
Congratulations sa lahat na winners lalo na sa Cineko Productions na nakakuha ng limang awards - Best Picture, Best Director at Best Supporting Actress kay Nikki Valdez na ipinagkait sa kanila ng MMFF last year.
Masaya rin kami para kay Elijah Canlas na nagwaging Best Actor mula sa pelikulang Blue Room.
At two in a row si Mon Confiado sa Best Supporting Actor, dahil siya rin ang winner sa naturang kategorya nung nakaraang taon.
Ngayon naman mula sa pelikulang Nanahimik ang Gabi ng Rein Entertainment.
LA at jhasy nakalampas sa pelikulang ‘special’
Maayos na nailahad ng dalawang pelikulang tumatalakay tungkol sa Autism Spectrum Disorder ang malapit nating mapanood sa mga sinehan.
Bukas na mapapanood ang In His Mother’s Eyes na sa trailer pa lang ay napapaluha na kami.
Relatable pa sa mga artistang involved, lalo na si LA Santos na pinagdaanan niya ang naturang disorder. Pero more on sa speech defect daw siya, dahil 8 years old na raw siya bago nakapagsalita.
Pinagtiyagaan siya ng Mommy niya na maging normal ang kalagayan niya.
Sa December 13 naman mapapanood ang Unspoken Letters ng Utmost Creatives na kung saan ilulunsad ang baguhang young actress na si Jhassy Busran.
Sobrang naka-relate din ang mga artistang involved, kagaya ni Gladys Reyes na hindi napigilang maiyak nung sinu-shoot nila ang naturang pelikula dahil sa may kapatid siyang special kid.
Ngayon lang namin nalaman na si Glydel Mercado pala ay may kapatid ding may Autism Spectrum Disorder.
“I have a brother na special, ang kuya ko. So, ako yung tumatayong ate.
“Kaya naiintindihan ko yung ganyang case. Kailangan ng pag-unawa, ng pagmamahal. Kasi, kung normal silang tao hindi naman nila gagawin yun e,” saad ni Glydel.
Kasama rin sa Unspoken Letters sina Tonton Gutierrez, Simon Ibarra, Matet de Leon, Orlando Sol, at marami pa.
- Latest