^

PSN Showbiz

BF ni KC, may pinay ex-wife?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BF ni KC, may pinay ex-wife?!
Mike at KC
STAR/ File

True kayang may Pinay ex-wife na ang kasalukuyang boyfriend ni KC Concepcion na si Steve Michael Wuethrich?

Yup diumano’y kasal ito pero hiwalay na raw.

Buy and sell of watches ang diumano’y negosyo ng nasabing karelasyon ni KC.

Samantala, binuksan ng daughter nina Sharon Cuneta and Gabby Concepcion ang kanyang bagong condo sa kanyang followers.

Sa kanyang YouTube channel, sinabi ni KC na ito ang bunga ng kanyang mga kinita.

Ang laki ng space for a condo na ngayon daw pinagkakakitaan na niya.

Influencers, yumaman sa inspi...

Punung-puno ng influencers, creators at affiliates ang DD Night Club nang ilunsad kamakailan ng Inspi Philippines ang bagong collection sa pamamagitan ng isang get-together party at runway show na tinawag nilang Inspi Creators Night.

Sa panahong ito ng digital at social media, mabenta ang creators bilang brand builders na nakakapaghatid ng awareness, engagement at sales online.

Kinikilala sila ng Inspi Philippines, isang bagong local clothing brand, bilang partners sa paghahatid ng inspirasyon sa fashion enthusiasts at kapwa creators sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ayon sa Inspi Philippines, ang Creators Collection ay para sa mga nais magbigay ng fashion statement, maghatid ng specific mood o kaya naman ay magpakita ng kanilang fashion creativity.

Siguradong swak sa panlasa ng mga kabataan ang iba’t ibang disenyo, graphics at kulay ng statement shirts sa Creators Collection dahil meron itong sari-saring tema na babagay sa lahat kabilang na ang LGBTQ community.

Maliban dito, meron din silang damit na casual chic, streetwear at high fashion.

“The event is all about celebrating individualism, expressionism and the influential voices that help drive it forward,” ayon pa sa Inspi Philippines representative.

“These influencers, creators and affiliates made Inspi their go-to fashion brand whenever and wherever they are. They have been the voices of Inspi which, in turn, has helped them find great opportunities through its products. Making Inspi the go-to fashion brand, the new collection has set another record by showing a perfect blend of creativity, innovation and high-quality craftsmanship,” saad pa ng reps ng kumpanya.

Katuwang nga pala nila sa paghahatid ng Creators Collection ang Iconify, isang MCN-accredited company na tumutulong palaguin ang negosyo sa digital economy sa pamamagitan ng pagbibigay access sa creative talent, full service content production at live selling opportunities.

Samantala, ang Creators Collection ay available na sa Inspi online stores sa Shopee, Lazada at TikTok shop.

KC

MIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with