^

PSN Showbiz

Juday, confidential pa ang sisimulang comedy series

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday, confidential pa ang sisimulang comedy series
Judy Ann Santos

Bukod sa pagiging magaling na aktres ay nakilala rin si Judy Ann Santos sa kanyang husay sa pagluluto.

Iba’t ibang putahe na ang nagawa ng aktres na mapapanood sa kanyang YouTube channel na Judy Ann’s Kitchen.

Ayon kay Juday ay hindi naman kailangang mamahalin palagi ang lahat nang niluluto para sa pamilya. “People think artista ako hindi kami nagtitipid. That’s not true. Important pa din siya lalo na’t nagmamahal ang mga bilihin. Babalik at babalik ako sa budget friendly (meals). It is something you want to think about. You have to be wise and creative with what you pick,” bungad ni Judy Ann.

Nagsisilbing family bonding ang pagluluto ng aktres sa kanilang bahay.

Mayroong mga pagkakataong tumutulong din kay Judy Ann sa kusina ang mga anak nila ni Ryan Agoncillo.

Para kay Juday ay importanteng matuto rin ang mga anak sa paggawa o pagluluto ng mga masustansyang pagkain na inihahain sa pamilya. “Nutrition is very important, sa dami ng junk food. We allow our kids, but it’s important I know what they eat in the main meals. Assist your kid, hayaan mo mag-experiment. More often than not, walang mali sa paggawa ng pagkain once you are creating a recipe that will last forever. At the same time, you are giving your children something nutritious,” pagbabahagi niya.

Samantala, isang bagong serye ang pinaghahandaan na ngayon ni Juday.

Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong proyektong mapapanood na sa susunod na taon.

Makakasama ni Juday sa serye sina Edu Manzano, Gina Pareno at RK Bagatsing. “Confidential pa title pero next year lalabas, comedy series,” pagtatapos ng aktres.

Kim, ‘di na kaiinisan

Muling magkakatambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa Filipino adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim? Masayang-masaya ang aktres dahil sa pagkakapili sa kanya upang magbida sa bagong serye. “I’m very happy to do this project and mag-land siya sa akin. Kasi I am also a fan ng mga Korean series. During pandemic pinanood ko talaga ‘to. So I’m so happy to be the secretary Kim of the Philippines,” nakangiting pahayag ni Kim sa ABS-CBN news.

Matatandaang huling nagkatrabaho sina Kim at Paulo sa online series na Linlang na talaga namang tinutukan ng mga manonood.

Ngayon ay nakararamdam ng pressure ang dalaga kung magugustuhan ng mga tagahanga ang bagong serye lalo pa’t pumatok ang original version nito sa Korea.  “Meron of course, kasi hindi naman maiiwasan na hindi ma-compare ‘yung may paggagayahan. Siguro lalagyan na lang namin ng a taste of Filipino touch,” pagtatapat ng aktres.

Ayon kay Kim ay ibang-iba ang kanyang bagong karakter ngayon kumpara kay Juliana na kinainisan ng mga manonood sa Linlang.

Malayung-malayo rin ang tema ng istorya ng What’s Wrong with Secretary Kim? kumpara sa nagtapos na serye “Sa Linlang sobrang intense, heavy. Minsan n’yo lang kami makikitang nakangiti sa isa’t isa. Ito pwede na kaming makapagbigay ng maraming smiles and all. So sobrang complete opposite siya which we’re very thankful din na sinuportahan kami sa Linlang. So sobrang happy and excited again to do a different dynamics with Paulo,” pagtatapos ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with