^

PSN Showbiz

Kathniel, ‘di na rin sumali sa pamamasko ng Star Magic!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathniel, ‘di na rin sumali sa pamamasko ng Star Magic!
Kathryn
STAR/ File

Andrea, mas priority raw ang mga bayarin

Parang mas lalong umiinit ang intrigang wala na sina Da­niel Padilla and Kathryn Bernardo sa Star Magic bukod nga sa persistent na intrigang hiwalay na sila.

Ito ay nang hindi sila magparamdam sa maagang pamasko ang Star Magic sa ikalawang Star Magical Christmas ball bilang pagbibigay saya at pag-asa sa mga napili nitong benepisyaryo at pagkilala sa mga loyal sa kanila.

Kasabay sa pagtitipon ng Star Magic artists, na todo-bihis sa kanilang Christmas-inspired attires, namahagi rin sila ng pamasko sa isinagawang toy drive para sa mga chikiting ng Bantay Bata 163.

Inilunsad din kamakailan ng Star Magic ang Share the Magic initiative, kung saan nag-abot ng tulong sa mga nangangailangan ang ilan sa kanilang artista.

Sa nasabing ball kinilala rin ang katangi-tanging charitable effort for exceptional magic sharing, kung saan itinanghal na grand winner ang Fractured stars na sina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Raven Rigor na nag-uwi ng P100,000 para sa kanilang benepisyaryo na Ephesus: Home for Girls.

Second place naman ang Pira-Pirasong Paraiso stars na nagbahagi ng kanilang napanalunang P50,000 sa Pawssion Project, kasunod ang grupo nina Alexa Ilacad, Nonong Ballinan, at Eric Nicolas na may P30,000 para sa kanilang Laban Lungs benefit concert na alay sa dating ABS-CBN head writer na si Sherwin Concepcion na kasalukuyang lumalaban sa sakit na lung cancer.

Bukod dito, kinilala din ang ilang Kapamilya stars para sa kanilang loyalty at dedication sa Star Magic sa mahabang panahon, tulad ng 25-year talents na sina Desiree del Valle at Andrei Felix, theater actress na si Carla Guevarra-Laforteza (24 years), dating child stars na sina Igi Boy Flores at  Nag-Aapoy na Damdamin leading lady Jane Oineza (22 years), ang komedyanteng si John “Sweet” Lapus (22 years), pati ang aktor na si Ketchup Eusebio (21 years).

Pero kung wala ang KathNiel, andun naman si Andrea Brillantes na pilit na sinasabing third party kina Daniel and Kathryn.

Rumampa siyang may parol sa likod.

At wala ring sinagot si Andrea sa interview ni Luis Manzano tungkol sa nasabing intriga ni Daniel dahil ang iniisip niya raw ngayon ay work na pakiramdam niya ay lovelife lang niya ang binabantayan samantalang ang gusto lang naman daw niya ay magtrabaho dahil sa kanyang mga bayarin. “Honestly po, hindi ko kasi iniisip eh. So for me, walang bigat, wala hassle sa akin at all kasi naka-focus lang po ako sa mga bayarin ko... Mga bayarin ko… mga gusto kong ma-achieve before the year ends,” pagdidiin niya.

At pakiramdam din niya ay hassle na lagi siyang pinag-uusapan tho career-wise aniya ay nakakatulong ito.

“Sa totoo lang po, medyo hassle rin siya. Kasi, talagang may mga bagay na wala lang naman talaga dapat.”

ANDREA

KATHNIEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with