Ivana at Regine, laging dawit ‘pag may away sina Melai at Jason
Katulad ng ibang mag-asawa ay normal na kina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan paminsan-minsan.
Nilinaw naman ng aktor na agad ding naaayos nilang mag-asawa ang mga tampuhan. “Totoo naman, nag-aaway din kami, normal naman ‘yon. Ayaw ko na lokohin palagi ang aking sarili. Kapag hindi kayo nagkakasundo, eh di magpahinga muna. Nauwi muna ako sa probinsya (Mindoro). Kailangan din ‘yon kasi kailangan mag-isip-isip kung ano ang mga bagay na hindi pinagkakasunduaan, pero lagi naman kami nagkakaayos. Share ko lang, matagal ko na pong gustong mapanood ang concert ni Ms. Regine (Velasquez) natataon lang po talaga, tatlong concert na yata ang hindi ako nakapunta. Natataon na nag-aaway kami,” kwento ni Jason sa Magandang Buhay.
Ayon sa aktor ay mayroong ugali si Melai na hindi na niya mababago. Wala naman daw magawa si Jason kung hindi tanggapin na lamang ang ugali ng asawa. “Kasi po minsan ang daming kaartehan sa buhay na ginagawa na alam naman niyang hindi kami magkakasundo. Eh wala po akong magagawa kasi gano’n po ang kanyang pagkatao.
“Ang pagkatao naman niya ay unti-unti ko namang tinatanggap na. Kasi ang pag-aasawa ay napakahirap pala talaga. Parang everyday ay challenge. Pero awa naman ng Diyos ay nalalampasan namin dahil habambuhay talaga ay magkakaganito kami kasi magkaiba kami ng personality,” paliwanag niya.
Sa loob ng sampung taon ay marami na ring napagdaanang pagsubok sina Jason at Melai bilang mag-asawa.
Aminado ang aktor na medyo selosa talaga ang komedyana. May mga pagkakataong pinagtatalunan ng mag-asawa ang mga post ni Ivana Alawi sa social media. “Kasi ang gusto niya parang hindi ako makatingin sa ibang tao. Nakakahiya na ‘yon kasi ang pangalan niya (Ivana) laging nababanggit. Sa totoo lang, alangan namang hindi ko makita ‘yan eh lagi ngang trending,” paglalahad ng aktor.
Diego, walang balak pakasalan ang ina ng anak
Isa nang ganap na ama si Diego Loyzaga. Anim na buwang gulang na ngayon ang babaeng anak ng aktor. Kahit may sarili nang pamilya ay wala pang balak na pakasalan ni Diego ang non-showbiz girlfriend. Hindi umano naniniwala si Diego sa aspeto ng kasal. “It’s a piece of paper for me. Kunwari lang you and me, we agree on everything. There’s not a spot or piece of line or paragraph that we don’t agree on, absolutely everything. A 100% crystal clear. Why must we now get it written down on a piece of paper and then get someone else to bestow onto us that we are now a married couple?,” makahulugang pahayag ni Diego sa YouTube channel ni Toni Gonzaga.
Malaking bahagi sa paniniwala ng aktor ay ang mga personal na karanasan.
Nasaksihan ni Diego ang sitwasyon noon ng mga magulang na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano at ng ilang taong malapit sa kanyang puso. “Ang sa akin lang kasi if we fight in the future and it gets to the point na ayaw ko na sa iyo at ikaw ay galit na galit sa akin. It’s not a big matter of having to go somewhere and get annulled, get divorced, wala tayong divorce. It’s because I guess growing up, I grew around it so much and I get to see it so much, separation. I mean aside from my own parents. Until now minsan malabo. Minsan we’re just doing it for the kids. So okay, why do you have to sign a piece of paper? What do you get in the end?” giit niya.
Gayunpaman ay posible pa ring magbago ang paniniwala ni Diego sa usaping kasal. “We can talk five years from now and maybe things will be different,” dagdag ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest