^

PSN Showbiz

Paolo, nilinaw ang nangyari sa kanila ni Arra, hiwalayan nila ni Yen sinagot!

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, nilinaw ang nangyari sa kanila ni Arra, hiwalayan nila ni Yen sinagot!
Paolo at Yen
STAR/ File

Sinagot na pala ng alaga kong si Paolo Contis ang kumakalat na intriga sa kanila ni Arra San Agustin at pati na rin sa relasyon nila ni Yen Santos.

Maaalalang naintriga siya sa co-host niya sa Eat Bulaga na si Arra San Agustin dahil sa pagpapakita nila ng sweetness sa isa’t isa sa isang kumalat na video.

Kaya inakala ng marami na hiwalay na sila ng karelasyong si Yen.

Tinapos naman na ni Paolo ang mga intriga nang tanungin siya ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda.

Maaaring naaapektuhan na ang relasyon nila ni Yen kaya mas pinili na niyang magsalita kesa kung anu-ano pang mga intriga ang lumabas.

Inamin niyang hindi pa sila hiwalay ni Yen at nagsalita naman tungkol sa kanila ni Arra.

“Alam mo ‘yung kumakalat sa amin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga. It was maliciously edited. It’s a love triangle skit ni Arra, ako, at saka ni Candy played by Betong (Sumaya) and they just keep on posting Arra’s side with me,” pagbahagi ni Paolo.

Mukhang mahal na mahal talaga ni Paolo at seryoso kay Yen at makikita ngang parang gumaganda ang path na tinatahak nito ngayon.

Siguro good influence talaga sa kanya si Yen kaya sana nga ay magtuluy-tuloy na ang magandang takbo ng career niya na ngayon ay abala siya sa mga ginagawa niyang pelikula pati na rin sa Bubble Gang at EB.

Wish ko talaga ay matupad na niya ang dream house niya kagaya ng iba kong alaga.

Bongga.

vuukle comment

ARRA SAN AGUSTIN

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with