Michelle Dee hanggang top 10 lang, ‘di napakinabangan ang fan votes!
Miss Nicaragua bagong Miss Universe...
Anyare.
Ganyan ang reaction ng lahat sa pagkalaglag ni Michelle Dee sa Top 5 ng Miss Universe na ginanap sa El Salvador.
Totoo naman na maganda ang ipinakitang laban ng Kapuso actress.
Consistent ang performance niya.
Lalo na at kumalat pa ang isang post na kasama sa Top 5 si Michelle – kabilang ang Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Nicaragua and Miss Colombia.
Pero biglang sa actual coronation ay napalitan siya ng Miss Thailand.
Siya lang ang nawala sa mga naunang kumalat na Top 5.
At alam na raw ‘yun.
Ang Thai media mogul na si Anne Jakkaphong Jakrajutatip ang may-ari ng Miss Universe.
At naikonek pa ito sa pagre-resign ni Paula Shugart sa Miss Universe Organization pagkatapos ng 23 taon bilang presidente. Ang pag-alis ni Paula Shugart ay kasunod ng balita na ang may-ari ng Miss Universe na JKN Global Group ay nag-declare ng bankruptcy sa Thailand, ngunit sinabi raw nito na walang kaugnayan sa balitang iyon ang desisyon ni Madam Paula.
Though destiny talaga ang pagkakaroon ng korona, hindi nadadala sa mga post sa social media lang.
Kaya tanggap ni Michelle ang naging resulta.
Agad siyang nag-post ng “We did what we could but destiny has greater things for us! Everything ALWAYS happens for a reason!
“I’m still trying to compose my thoughts & feelings with everything going on, but all I know is i’m truly indebted to all of you! We showed the whole universe what our #BAYANIHAN spirit can do and let’s keep shaking them. Mahal na mahal ko kayo.”
Hindi sila nagkaparehas ng destiny ng inang si Melanie Marquez na kauna-unahang Miss International ng Pilipinas.
Nanalo siya noong 1979.
Si Michelle ay umabot lang sa Top 10.
Pero ang isang sure, hindi nakatulong ang fan vote.
Kasi kung doon ang basehan ng mananalo, baka nagkaroon ng korona si Michelle.
May corresponding amount ang bawat boto, hindi libre.
So ano ‘yun nabudol ang mga bumoto nating kababayan?
Anyway, si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang bagong Miss Universe.
First time ng nasabing bansa na magkaroon ng Miss Universe.
First runner-up naman ang Miss Thailand na nagpainis nga sa beauty pageant afficionados.
Anyway, bukod kay Michelle trending din kahapon sa X (dating Twitter) si Catriona Gray na naging backstage host na pinasalamatan ang nag-resign na president ng Miss U at sa naging laban ni Michelle : “To @realpaulashugart thank you for all the years you’ve dedicated to Miss Universe. As someone who has been directly impacted and had my life changed because of your vision, I am forever greatful, as are the hundreds of girls and each of their communities, causes and countries that you brought onto the universe stage.
“Lastly to our pride, @michelledee thank you for the fight. Yours is a comeback story that I know well, and so it’s with certainty that I can say, never denied only redirected. Whatever you choose to pursue, we’re all right behind you!”
- Latest