Ang Online Split Princess
Bata palang noon si Jonavhei Quintana nang maram-daman niyang may espesyal na espasyo sa puso niya ang pagsasayaw. (at least hindi inuna ang landi!)
“Sa mga ate ko lang po, dati po lagi ko lang silang pinapanood na sumasayaw. Hanggang sumabay na po ako sa kanila sa pagsayaw. Lalo na po kapag may naririnig po akong music, bigla lang po akong napapasayaw. Hanggang sa mag-join na po ko sa school namin, sa mga dance troupe, idol ko rin po kasi sa pagsayaw lalo ang isa kong ate na nag-eextra-extra rin po siya dati, sumasayaw sa tv show,”pag-alala ni Jonavhei. (labanan ko ‘yang mga ate mo!)
Hindi nagtagal siya na rin ang sumasayaw sa telebisyon. Isinalang siya sa GMA7 bilang Hot Maria Clara member at dancer sa Tiktoclock. Isinama sa grupong SliqChiq na rumaraket sa mga events. Pinasok din niya maging talent sa mga teleserye. (humataw sa karekatan ang ate mo!)
“Nagsimula po ‘yun nung may nag-mention sa’kin na friend ko sa post po, audition naman po iyon Sa Hot Maria Clara (GMA) dance contest, since hindi pa po expired ‘yung swab test ko noon, kaya hinanapan po ko nun nila ng teleserye na mai-extrahan ko po, para magamit pa po ang swab test ko, ‘tas na approved po ako kaagad. Hanggang sa magsunod-sunod na po ‘yung mga naa-approve ako na mga teleserye.” Pagbabahagi ni Jonavhei. (may seal of approval ba ito?!)
Aminado siyang nung una ay duda siya sa kanyang sarili na sumabak sa showbiz:
“At first ayaw ko po talaga kasi pinanghihinaan po ko ng loob, na baka hindi ko kaya at mataas ang standard nila na dapat maputi, makinis, maganda, walang galos sa katawan pero hindi pala. Kailangan mo lang talagang maniwala palagi sa sarili mo.” (naku, ‘yung iba nga, walang ganda, sumikat! Chos!)
Nakakasama ko rin ang 21 anyos na tubong Leyte nga-yon bilang isa sa aking mga Telebabe sa aming online news program na Teletabloid. (‘di ko sure if bakit nga ba?!)
“Nakita ko po sa post ni Sir Paolo Atienza about sa Te-letabloid at mga telababe, kaya I asked him po kung paano maging telebabe. Ayun po natuwa po ako nung time na sinama niya po ko sa studio para raw po makita at makilala po ikaw, Mr. Fu. Kaya natuwa po ako nung sinabihan na ko ni Mr.fu ng see you next week. Kaya this is it! Isasalang na ko nung next week na yun!” Pagbibida ni Jonavhei. (actually prank ‘yun, nagbago lang isip ko! Charot!)
Bilang may fun segment ang aming newscast, nailalabas ni Jonavhei ang kanyang masayahin personalidad. Ginulat nga ako minsan nang bigla na lang siyang nag-split sa show! (as in ‘yung walang pasabi!)
“Natutuhan ko po mag-split nung nasa Leyte pa po ako, nung naging Sanggutan Dancer po ako 2019 po, nung ini represent namin ‘yung Philippines sa chinggay parade kaya halos araw-araw po kaming nag ti-training noon Hanggang sa matuto na po ako. Naging pahin-to-hinto po ginagawa. Ngayon po dahil sa Teletabloid na lang po ulit naging madalas.” Pagkukwento ni Jonavhei. (oo ayaw na niyang tumigil!)
Naging tatak na ni St. Claire College Caloocan Tourism Student ang pag-split sa ilang segments namin. “Nakakatuwa po ‘pag nalalaman ko pong natutuwa po ang mga tagasubaybay at ang buong studio. ‘Yan na rin po ‘yung sariling signature ko bilang telebabe.” (inutos ko sa kanya at kailangang gawin kung ayaw niyang masaktan!)
Tinatawag ko na siyang Split Princess sa programa. Ang tanong lang, mag-react kaya si Mystica na naging Split Queen noon? ”Napanood ko po siya nung bata pa po ako. Siguro po hindi ko pa po kaya ‘yang ganyang title, kasi po kahit 4 years na po akong nag-i-split marami pa rin po akong dapat pag-aralan at matutuhan. Kailangan po ulit mabanat ng training. Pero sa Teletabloid, sige po, kaya ko po maging Split Princess lalo na’t nakikita ko po na sa bawat split ko po ay may mga napapasaya po ako. Salamat sa buong staff at lalo na s’yo, Mr.Fu!” (kaya pinagbawalan ko na siya magpalda sa show! Dapat pantalon, para sure na may split na magaganap!)
(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.
FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )
- Latest