^

PSN Showbiz

Anak ni Juday gustong i-hostage ang anak ni Angelica!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Juday gustong i-hostage ang anak ni Angelica!

Gigil na gigil sila Judy Ann Santos sa anak ni Angelica Panganiban na si Bean na dumalaw sa kanilang bahay.

Ayon kay Juday feel na feel ni Luna na tinatawag siyang ate habang karga ang baby ni Angelica.

Pero may mahigpit daw itong bilin “As long as it’s not my sibling calling me ate.”

Habang si Lucho raw ay ayaw pauwiian sila Angelica. “At willing butasin ang gulong ng sasakyan mo para sa bahay na kayo matulog,” post ni Judy Ann na naka-tag si Angelica na karga ni Lucho si Bean.

Talagang naipasa na nila sa kanilang mga anak ang friendship kumbaga nila.

Bongga. Saya-saya. ‘Congrats… Anna Mae’

Ang suwerte namin na friend nami n si Atty. Anna Mae Lamentillo na ngayon ay go na ng UK para sa kanyang Masters. Matagal nang staff ng mga Villar si Atty. Anna Mae at naging USec pa kaya naman close na close na sa amin.

Kaya nga kung anuman achievement ni Atty. Anna Mae, natutuwa kami.

Lalo pa nga at hindi siya nagbabago.

Hanggang ngayon down to earth siya at ang jolly ng attitude.

We love the transformation and happiness of Anna Mae dahil parang isa siyang kapatid na nagtatagumpay sa kanyang ginagawa.

At sure ako, buong Villar group rooting for her, lalo na si Sen. Mark Villar kung saan na trained ng husto si Anna Mae.

Bongga. Congatulations Anna Mae at sana ay wag kang makakalimot sa amin.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with