Toni, wala pa raw sa planong mag-showbiz comeback!
Wala pa raw talaga sa plano ni Toni Gonzaga ayon sa isang malapit sa TV host / actress / vlogger, na magkaroon ng showbiz comeback.
Mas priority diumano nito sa kasalukuyan ang mag-alaga ng mga anak, sina Seve and Polly.
May mga nagpapakalat na diumano’y babalik na sa trabaho si Toni, pero kinumpirma ng source na hindi nga raw.
Besides parang ang laki ng kita nito bilang vlogger.
Ilang araw number 1 trending ang interview nito sa kapatid na si Alex Gonzaga-Morada na isinalaysay sa kanyang interview ang kanyang karanasan sa second miscarriage.
Dun pa lang, dolyares na nga naman ‘yun.
May 6.7 million subscriber si Toni sa YT at 5.5 million views na ang nasabing interview niya sa kapatid.
Samantala, nag-resign nga diumano ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano nu’ng July 2023 bilang Presidential Adviser on Creative Communication ng Malacañang na kamakailan lang kumalat dahil nanahimik nga raw ang direktor at lately lang nagiging maingay dahil sa pelikula nitong ipalalabas, ang The Fisher.
Ayon sa aming reliable source, “Aside from film and television work, he now also focuses on content creation.
“During his leave, he studied also. He took courses on new trends in content creation and how to create better synergy between mainstream medium and social media.”
Ayon pa sa source, pakiramdam daw nito ay mas bagay siya sa private sector.
“Having Polly (his second child with actress-wife Toni Gonzaga), also made him realize that he needs to protect his family — away from politics.
“Ang mundo ni Paul ay pagiging writer at director ng movies at commercials. He is happier doing these. Tahimik pero masaya rin,” pagtatapos ng aming source.
May point naman.
- Latest