^

PSN Showbiz

Marlo, handang kasuhan ang nagkalat na nang-agaw siya ng BF

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marlo, handang kasuhan ang nagkalat na nang-agaw siya ng BF
Marlo
STAR/ File

Handang ituloy ni Marlo Mortel ang legal actions laban sa isang babaeng isinangkot ang kanyang pangalan sa panunulot diumano sa kanyang boyfriend.

Nakasaad pa sa nasabing post na diumano’y nagyaya pa si Marlo ng ‘threesome’ at pinagbibintangan pang may social media jowa siya.

Nawala rin naman agad ang nasabing post pero ang haba ng mga mabibigat na akusasyon nito, Yuki Zaragoza, na walang profile photo, sa singer/actor/host.

Sa ngayon ayon kay Marlo, na-trace na nila ang IP address nito at nakipag-usap na siya sa mga lawyer.

May mga tumutulong din daw sa kanyang nasa ‘posisyon’ para kasuhan ang nasabing netizen na pakiramdam niya ay kasama sa troll farm dahil wala siyang ka-idea-idea kung sino talaga ito. “Ipu-push talaga namin  ‘yung legal actions,” pahayag ni Marlo sa interview matapos ang press launching animated series na Heneral Tuna na kasalukuyang napapanood sa Knowledge Channel.

Aniya importante sa panahon ngayon na maging maingat sa mga pino-post lalo na nga at ang lahat ng tao ay pakiramdam nila ay journalist na rin.

“Basta ang advice ko lang sa lahat, think before you click. At since ang mga tao ngayon parang journalist na rin, dapat maghanap muna kayo ng facts, ng proper sources kasi pwedeng makasira ng buhay ng mga tao. Hindi lang sa mga bagay na tungkol sa isang tao. Kundi in general. And let’s be aware and mindful of our actions,” paliwanag pa ng actor na abala rin ngayon sa kanyang pag-aaral kaya ayaw niya raw sayangin ang oras sa kung anu-anong bagay na katulad nito.

Samantala, suportado ni Marlo ang mas pinasaya na palabas ng Know­ledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na nagtuturo ng mahahalagang Filipino values sa kabataan, Heneral Tuna, na kasalukuyang napapanood sa Knowledge Channel, katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Iikot ang istorya nito sa pakikipagsapalaran ng intergalactic cat na si Heneral Tuna mula sa planetang Mingming, na inatasang pumunta ng Planet Earth para sa kanilang planong sakupin ang mundo.

Subalit bumagsak ang kanyang sinasakyang spaceship at siya’y napadpad sa Barangay Hiraya, kung saan naman siya kinupkop ng kanyang magiging kaibigan na si Pat-Pat at ng kanyang pa-mil-ya at doon niya masasaksihan ang araw-araw na gawi at kaugalian ng mga Earthling.

Layunin ng mini-serye na bigyang-diin sa kada-episode ang kahalagahan ng pagkatuto ng natatanging kaugaliang Pilipino sa mga chikiting—mula sa pagmamahal sa pamilya, pagiging matulungin sa kapwa, pananampalataya, at iba pa.

Nitong Martes (Nobyembre 7) ay nasaksihan ng mga mag-aaral ng Pedro Guevara Elementary School sa Maynila ang nakatutuwang adventures ni Heneral Tuna kasabay ng pagpapalabas nito sa Knowledge Channel.

Saad ng KCFI vice president at director of operations na si Edric Calma, sana ay may matutunan ang mga kabataan sa animated series na layong pagtibayin ang kahalagahan ng Filipino values, gayundin ang pagpapamalas sa ating sariling kultura.

Lubos din ang pasasalamat ng NCCA sa Knowledge Channel sa paghahatid ng programang ito sa mas nakararaming kabataan sa bansa, at sa pakikibahagi sa kanilang adbokasiya na palawigin ang kahalagahan ng kaugalian at kulturang Pilipino.

Banggit ng NCCA deputy director for operations na si Bernan Joseph Corpuz, “Layunin naming magbigay ng inspirasyon at pag-aalaga sa isang henerasyon na may prinsipyo na gagabay sa kanila tungo sa pagiging responsable na miyembro ng lipunan.”

Ilan sa dumalo rin sa launch event na ito ang creative communications director ng Heneral Tuna na si Ryanorlie Abeledo; Pedro Guevarra Elementary School principal Noel Gelua; at Public School District supervisor of the Schools Division of Manila na si Ms. Ayla Urrea, na sinabayan din ng malugod na video greeting mula sa KCFI president at executive director na si Rina Lopez.

MARLO MORTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with