Mimiyuuuh, aligaga sa pagkalap ng tsismis
Aminin natin, marami sa atin ang nae-excite at nabubuhayan ng dugo kapag narinig natin ang mga salitang “Uy, may chika ako.”
At lahat naman talaga tayo ay may tinatagong “Marites” moment sa ating mga sarili, na nagnanasang makasagap ng pinakamainit na chika at life updates sa buhay ng may buhay, at hindi pwedeng maiwanan para malaman ang mga umaatikabong balita ng bayan.
Ganyan ang tema ng pinakabagong video ng sikat na online celebrity na si Mimiyuuuh para sa TNT, ang mobile brand ng Smart. Sa nasabing video, mapapanood si Mimiyuuuh habang nagbabasa ng kanyang social media feed sa kalagitnaan ng gabi nang biglaan niyang makita ang isang hindi inaasahang bisita na kamukha ng pamosong multong Hapon na si Sadako.
Sa kalaunan nalaman din ni Mimiyuuuh na namutla lang pala ‘yung babae sa video dahil sa sobrang sabik nitong makarinig ng tsismis.
Para mas malaman pa ang pinakamaiinit na online tsismis ng bayan at mas sumigla pa ang mga subscribers, inilabas kamakailan lamang ng TNT ang FB+Chat 50, na nagbibigay ng 7 araw na punung-puno ng data offer para mas madaling magamit ng mga subscriber ang kanilang Facebook, Messenger, WhatsApp, at Instagram account.
Sa halagang P50 lang, ang FB+Chat 50 ay may kasamang libreng 3.5 GB na maaring gamitin sa loob ng 7 araw, na sapat na sapat para magkaroon at ma-enjoy ng mga subscriber ang kanilang pagkalap ng tsismis para sa buong linggo.
Sa pamamagitan ng FB+Chat50, wala nang rason ang lahat ng TNT subscriber para makaligtaan pa ang mga pinakamainit na balita online tungkol sa kanilang paboritong artista, bulong-bulungan sa social media, o ‘di kaya ay mapag-iwanan pa sa usapang ng mga kaibigan pagdating sa pinakamainit na isyu ng bayan, na hindi mabubutas ang kanilang mga bulsa.
“Bahagi na ng buhay ng Pilipino para patuloy pa rin silang may koneksyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay ang pagshi--share ng mga pinaka-latest na usapan online.
“Sa pamamagitan TNT FB+ CHAT 50, binibigyan namin ng murang paraan ang aming mga subscribers para patuloy nilang malaman ang mga pangyayari sa lahat, na pinalakas ng pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa,” ayon kay Lloyd R. Manaloto, FVP at Head ng Prepaid at Content ng Smart.
Maaaring magparehistro ng madali ang lahat ng TNT subscriber sa FB+Chat 50 sa pamamagitan ng Smart App, na maaaring ma-download sa Apple App Store, Google Play Store, at Huawei Mobile Services.
Ang iba pang mga kustomer ay maaari ring makapag-avail ng produkto ng TNT. Kailangan lang nilang i-dial ang *123#; pumunta sa pinakamalapit na tindahan ; o ‘di kaya ay bumili nito gamit ang kanilang paboritong mobile wallet apps o pwede rin sa Facebook Upsell at Facebook Mobile center.
Ang Smart ang una at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nakatanggap ng prestiyoso at natatanging parangal sa tatlong sunud-sunod na ulat ng Ookla na inilabas nila noong Q1-Q2 2022, Q3-Q4 2022, and Q1-Q2 2023.
- Latest