JM, ‘di nahirapang manlinlang
Marami ang nakararamdam ng galit kay JM de Guzman dahil sa ginagampanang karakter sa seryeng Linlang bilang si Alex. Nagpapasalamat ang aktor sa lahat ng mga naaapektuhang manonood dahil sa kanyang mga ginagawang hindi maganda sa naturang proyekto. “Si Alex kasi achiever siya. ‘Pag may gusto siyang makamit sa buhay, nakakamit niya. ‘Pag may gusto siya nakukuha niya pero sa maling paraan lagi. Sobrang grateful nga na maraming nagko-comment, nagfi-feedback at maraming tumatangkilik. And maraming galit sa akin, maraming napipikon. Maganda talaga ‘yung pagkasulat ng script kaya susunod lang ako,” nakangiting pahayag ni JM.
Para sa binata ay malaking bagay na magagaling din ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa serye katulad nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ayon kay JM ay naging madali ang bawat eksenang ginawa dahil na rin sa angking talento ng kanyang mga katrabaho. “Maraming nagagalit sa akin, madaming nati-trigger do’n sa palabas, do’n sa nangyayari sa plot. And for me, ‘yung pagkagawa ko ng role, hindi ako masyadong nahirapan sa panlilinlang kasi na-portray ng mga co-actors ko nang buong-buo ‘yung mga characters nila. So sumasabay na lang ako. Happy naman ako,” paliwanag niya.
Kyle, naging family man nung namatay ang kapatid
Taong 2015 nang unang makilala si Kyle Echarri bilang isa sa mga semi-finalist ng The Voice Kids Season 2.
Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagiging isang Kapamilya ni Kyle. Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata ang binata sa ABS-CBN. “In my eight years of being a Kapamilya, dati I didn’t see the importance but now I really do. In a world na puno ng kalungkutan, puno ng mga bagay na nakakagalit talaga. It’s nice to be an inspiration to people and show that there’s happiness in this world. That for me is how to be a solid Kapamilya. Sa dami ko pong pinagdaanan recently, it’s very timely for me to sign a contract again. It’s not just working with them pero talagang pamilya po ang turing sa isa’t isa. Hindi lang sa boss po namin,” makahulugang pahayag ni Kyle.
Matatandaang namatay ang nakababatang kapatid ng actor-singer na si Isabella noong Abril dahil sa brain tumor. Iniaalay raw ni Kyle sa namayapang kapatid ang lahat ng mga tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon. “I’m a very family man. I just want to leave a message for my sister who’s up there. ‘Ta, we made it. We’re here. It’s been a while. I know you’re watching over me in everything I do. I know you are also part of this whole journey of mine.’ ‘Yung kapatid ko, isa rin po sa solid Kapamilya,” pagbabahagi ng binata. (Reports from JCC)
- Latest