Vina, nilantad ang karelasyon
Ang bongga naman ni Vina Morales na tila nag-hard launch na ng kanyang karelasyon.
Nag-post ito ng isang reel kung saan may kasama siyang isang lalake na kayakap sa mga litrato nila.
Caption ng kapatid ni Shaina Magdayao, “Autumn leaves and beautiful sunset at Washington D.C” na may kasama pang puso at naka-tag ang isang account na nagngangalang Andrew Kovalcin.
Kaya naman maraming netizens at mga kaibigan ni Vina ang kinilig at pinusuan ang kanyang post.
Inulan din siya ng pagbati at natuwa para sa kanyang lovelife.
May isang anak si Vina na si Ceana sa ex-partner na si Cedric Lee.
‘I don’t want to give up’
Naloka ako dahil talagang hindi ko matanggap na dalawang Pasko na akong nagda-dialysis.
Lucky me na nagagawa ko pa rin ang trabaho ko at hindi naman masyado nabago ang buhay ko except at times na medyo naiinis na ako at tinatamad na sa medical procedures.
Saka hoping na lang ako na hindi mawala ‘yung motivation ko ‘pag pumupunta sa hospital. I don’t want to give up pero parang pagod na ang katawan ko.
Siyempre 77 na ako at hindi na kasing energetic ng dating katawan ko.
Talagang ang hirap ng reality na kailangan mong magpunta sa hospital para sa apat na oras na pag-upo sa dialysis chair.
Iniisip ko na lang na mas lalo sigurong down ang feeling ng mga walang maibayad sa dialysis.
Suwerte ko nga na may sponsors na laging handang tumulong sa akin. Sina mama Susan Co, Rhea Tan, Erning Lim at mama Alice at Bong Revilla. Nadagdag pa si Usec. Honey Rose Mercado na nagpaparating kay PBBM kung anong lagay ko.
So grateful and thankful pati kina Gorgy at Salve. Dasal ko talaga na huwag akong tamarin, huwag magsawa dahil sino ang mag-aalaga kay Jokjok ko, hah hah.
Saka gusto ko ring makita na mag-asawa si Kinsey at sana makita rin ang aking apo sa kanya. Hay naku, Salve at Gorgy, bahala na kayo. Ipagdasal n’yo pa ako, bongga.
- Latest