^

PSN Showbiz

Solenn, break muna sa career!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Solenn, break muna sa career!
Solenn
STAR/ File

Nasa vlog ni Solenn Heussaff ang pag-eempake nila ni Nico Bolzico para lumipat sa bago nilang bahay. Nalungkot at naiyak si Solenn na iniwan ang house nila na seven years nilang tinirahan. Garalgal ang boses ni Solenn nang sabihing “Goodbye house.”

Makikita rin na ang dami-daming gamit na inempake at siguradong marami rin silang gamit sa bagong bahay.

Ipinakita rin sa vlog ang tuwa ni Solenn sa pagpasok yata sa bago nilang bahay ay malaki ito at may pool.

Samantala, natuwa ang fans ng Encantadia nang mabasa ang comment ni Director Mark Reyes na “See you soon Hara Durvea Cassiopeia” dahil ibig sabihin daw ay kasama siya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre at gagampanan pa rin ang role ni Cassiopeia.

Nabanggit ni Solenn sa isang interview na tigil muna siya sa showbiz dahil focus sa kanyang pamilya, pero kapag in-offer daw siya ng GMA 7 sa Sang’gre bilang si Cassiopeia, kanyang tatanggapin.

Anak nina Aljur at Kylie, close na kay AJ

Flinex ni AJ Raval ang bonding ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica at ang ama niyang si Jeric Raval at dahil parehong nakangiti ang dalawang special men sa buhay ni AJ, ibig sabihin, okay silang dalawa.

Makikita rin sa picture at nasa likod nina Aljur at Jeric si Alas, ang eldest son nina Aljur at Kylie Padilla na naglalaro.

Sa viral pic, naglalaro ng Lego si Aljur na nilalaro rin siguro ng mga anak. Hindi lang nakita sa larawan si Axl Romeo, ang bunso sa anak nina Aljur at Kylie.

As usual, nakatutuwa na naman ang mga comment ng netizens gaya ng comment na nakita na niya ang halos kaparehong picture ni Aljur, pero si Robin Padilla, ang ama ni Kylie ang kanyang kasama. Naiba lang daw ang biyenan na kasama nito sa larawan.

May nagsabi namang hindi nakakakilig ang larawan nina Aljur at AJ. But at least, alam ng mga anak ni Aljur na may AJ na sa buhay ng ama dahil isinasama sila nito kapag nakikipagkita sa GF at nakilala na rin nila ang future step-lolo nila.

vuukle comment

NICO BOLZICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with