Lovi, hirap sa LDR
Agosto lamang nitong taon nang magpakasal sina Lovi Poe at Monty Blencowe.
Matatandaang sa United Kingdom ginanap ang pag-iisang-dibdib ng mag-asawa na dinaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at mga kaibigan. Ngayon ay wala pa umanong balak na bumuo ng sariling pamilya ang mag-asawa. “So far right now we just want to focus sa work and us being together,” bungad ni Lovi.
Bumalik agad ang aktres sa Pilipinas pagkatapos ng kasal para sa naiwang trabaho sa FPJ’s Batang Quiapo.
Ayon kay Lovi ay hindi pa rin sila makapag-schedule ng honeymoon ng mister kahit mahigit dalawang buwan nang kasal.
Para kay Lovi ay mahirap ang kanilang kalagayan nilang mag-asawa na malayo sa isa’t isa.
Mabuti na lamang daw at talagang naiintindihan at suportado ni Monty ang lahat ng ginagawang trabaho ng aktres. “It’s going to be tough, siyempre nakakapagod to travel back and forth but then I am a firm believer that you can do anything and everything as long as you have the proper mindset. The fact that I was able to head back straight to work after getting married in less than a week. I think it’s possible as long as you are ready, you have a proper mindset. And you are doing it for the right things. I have my career, I want to have a proper balance for things talaga. It’s just great that I have a strong support system around me. My husband is very supportive and I also have great team here who’s helping me with work,” pagtatapos ng aktres.
Yeng, gustong baguhin ang ibang kanta
Mayroong mga kanta si Yeng Constantino na nais niyang baguhin ang linya ngayon. Para sa singer-songwriter ay mayroon lamang ilan na kailangang palitan sa lyrics dahil masyado pa siyang bata noon nang isulat ang sariling mga kanta. Matatandaang taong 2006 nang tanghaling Grand Star Dreamer sa Pinoy Dream Academy si Yeng. Mula noon ay naging aktibo na sa music industry ang singer-songwriter. “Kasi may mga kanta talaga ako na nagki-cringe rin ako no’ng pinapakinggan ko. Parang ang bata-bata mo pa nang sinulat mo ‘yon. Kaya parang gusto mong i-update lang ng konti. Kasi very childish pa ‘yung point of view mo. Mayroon akong mga gano’n na gustong i-relyric para appropriate naman sa age ko kapag kinanta ko siya,” makahulugang paliwanag ni Yeng.
Pag-aari na ng singer-songwriter ngayon ang lahat ng mga kantang naisulat sa loob ng labingpitong taon. Masayang-masaya si Yeng dahil nakuha na ang publishing rights mula sa dati niyang music label na Star Music. “Grabe ‘yung mga fans, sobra akong natutuwa no’ng nalaman nila ‘yung balita na hawak ko na ‘yung catalogue. Parang may personal favorites sila na, ‘Ate, gawan mo na ito ng bagong version? Pwede po bang i-relyric itong kantang ito?’ That’s the good thing about owning your own songs,” nakangiting pahayag ng singer-songwriter. — Reports from JCC
- Latest