Ricci, may alas vs Andrea?!
Ang tindi nang bashing kay Ricci Rivero pati sa beauty queen at konsehalang si Leren Mae Bautista.
Hindi na nga napu-focus sa pagiging basketbolista ni Ricci ang usapan kundi ang isyu ng lovelife ang mas napapansin.
Lalo pang tumindi nang pamba-bash nang inamin nila sa social media ang kanilang relasyon.
Naglabasan tuloy ang interview niya sa Fast Talk With Boy Abunda na deretsahan niyang sinagot na wala raw silang relasyon ni Leren Mae.
Pero hindi na nakatiis si Ricci, pinatulan niya ang post sa X ng isang Bea Borres na BFF ni Andrea Brillantes.
Pati nga si Leren Mae Bautista ay may pinatulan ding post sa X na inaakusahan siyang third party.
May sinagot siyang isang basher na mas mabuting tanungin na lang daw si Andrea kung inagaw nga ba niya si Ricci.
Mukhang malapit nang ma-provoke si Ricci na ilabas kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Andrea.
Siya nga ba ang unang nangaliwa o guilty din si Andrea? May past interview kasi kay Seth Fedelin ng tungkol sa kanila ni Andrea, pero maingat siya sa kanyang mga sagot.
Mukhang may alam ang young actor at may pinanghahawakan pa itong ebidensya.
Pero hindi nga naman maganda kung ilalabas pa niya ito, kung totoo man.
May isa pang kuwentong may kinalaman ang isang sikat na aktor. Kaya sinasabi ng ilang source namin na galit daw ang nanay ng girlfriend nitong sikat na aktor kay Andrea. Ayaw na lang umimik itong si girlfriend.
Fans ni Alden dismayado sa kanyang outfit
Totoo kayang dismayado raw ang fans sa pagdalo ni Alden Richards sa Sparkle Spell Halloween Party na ginanap sa Xylo at The Palace sa BGC, Taguig nung nakaraang Linggo?
Ang tagal daw siyang hinintay dahil siya ang pinaka-finale na rumampa, pero dumating daw itong naka-Tshirt at jeans lang na may dalang bulaklak.
Halos naubusan na raw ng kuda ang hosts na sina Martin Javier at Janeena Chan, para hintayin lang ang Asia’s Multimedia Star, at nadismaya raw sila na parang napadaan lang daw si Alden sa suot nito.
Fabulously Frightening ang theme ng party, at nakita naman sa suot ng mga Sparkle talents na kinarer nila ang costume ng iba’t ibang kilalang character.
Ang paliwanag ni Alden, as Lance Sandoval ng pelikula niyang Five Breakups And A Romance ang dala niyang karakter.
Suot niya ang Tshirt na may Godzilla print, na alam naman daw natin kung gaano ka-frightening si Godzilla.
Ani Alden; “I am dressed as my character dun sa movie na Five Breakups and a Romance, si Lance Sandoval.
“So, parang hindi pa kasi nare-reveal kung bakit talaga Godzilla yung logo sa T-shirt ni Lance. Ngayon ko siya iri-reveal.
“Alam naman natin na si Godzilla is a wrecker of cities, di ba?
“So, kaya suot ni Lance yun, ang analogy nun is parang siya yung sisira sa buhay ni Justine (Julia Montes). Pero siya nga ba?
“Ano pa ang mas malaking horror sa buhay natin ay kundi masira ang ating buhay.
“This is a very deep costume, pero simpleng-simple,” bahagi ng paliwanag ni Alden.
Sunud-sunod kasi ang promotions ni Alden para sa pelikula nila Julia Montes at gumaganda ang takbo ng boxoffice results dahil nga siguro sa ‘word of mouth’ dahil maganda naman ang pelikula at magagaling silang lahat. Kaya tinotodo na nila ang promo nito para ma-maintain ang lakas sa takilya.
Ang latest na nasagap namin lalo pa itong tumaas nung nakaraang weekend.
Ayon sa aming reliable source, naka-P6.7-M ito nung Sabado, at nung Linggo ay lalo pang tumaas sa P7.4-M.
Close to P25-M na raw ito, at baka maka-P30-M daw ito sa buong isang linggong showing .
- Latest