^

PSN Showbiz

Ate Vi, mangiyak-ngiyak kay Luis!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, mangiyak-ngiyak kay Luis!
Ate Vi at It's Your Lucky Day host
STAR/ File

Special guest si Vilma Santos sa It’s Your Lucky Day nung Sabado, at sa opening pa lang ay ipinakilala na siya ni Luis Manzano, kasama ang iba pang co-host ay medyo gumaralgal ang boses ni Ate Vi nang magsalita siya para sa anak, at sa bumubuo ng noontime show na pansamantalang ipinalit sa It’s Showtime.

Sobrang proud si Ate Vi sa kanyang anak at sa lahat na taga-It’s Your Lucky Day.

Halos buong show ay nandun si Ate Vi na napu-promote na rin niya ang Metro Manila Film Festival entry nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo.

Nag-judge pa siya sa singing competition na Star For All Seasons kasama sina Christian Bautista, Jamie Rivera at Katrina Velarde.

Kantiyaw katakut-takot siya ni Luis dahil for the first time raw ay nag-judge ang Momshie niya ng isang singing competition.

Text ni Ate Vi sa akin, “I’m proud of him (Luis) and to all IYLD team!! Imagine... papalitan niyo lang muna ang isang show for 12 days... pero nakikita mo effort nila to make the show effective!!! Puwede ka din tumanggi ‘di ba? 12 days??

“Pero nagpakita si Lucky at IYLD team ng kababaan ng loob... walang pagmamalaki sa sarili... basta gusto lang kung makakatulong ituloy ang entertainment at pagbibigay regalo sa tao.... nang hindi nag-iisip nang pakikipaglaban sa ibang show kundi gawin lang ang commitment na 12 days na show... maraming humahanga... meron na ring nang-iintriga!!!

“Pero ang ganyang klase ng attitude sa trabaho at malasakit sa tao ang kayang kong bigyan ng isang sinserong BOW NA GALING SA PUSO!!!

“I’m proud of my son Lucky and IYLD Team!!!”

MMFF 2023, magpapaiyak!

Nagsisimula nang mag-promote ang sampung pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023.

Pero mas na-curious kami kung gaano kadrama ang pelikulang A Fa­mily of Two nina Sharon Cuneta at Alden Richards, ang When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, at ang Firefly ni Alessandra de Rossi ng GMA Films.

Sa trailer pa lang ng A Family of Two, parang babaha na ang luha.

Naka-text ko nga si Mayor Enrico Roque ng Cineko Productions, gustung-gusto na raw niya panoorin ang kabuuan ng pelikula.

Pero abala lang daw siya ngayon sa Barangay at SK elections. Tatapusin lang daw niya ang eleksyon, saka ayusin na niya promotion nito at papanoorin daw niya ang kanilang entry na gawa ni direk Nuel Naval.

Sabi naman ni Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Films, heartwar­ming naman daw ang kuwento ng Firefly na ang gaan lang daw nang pakiramdam mo paglabas mo ng sinehan. “Actually it’s more for the whole family,” pakli ni Ma’am Annette nang nakatsikahan namin sa premiere night ng Five Breakups And A Romance.

May isa pang kakaibang love story rin na alam naming madrama rin – ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

LUCKY DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with