Shaina, hinihintay na kumalat na ‘bata’ na ang anak
‘Bata’ ang anak nina Piolo Pascual and Shaina Magdayao.
Ito ang ina-anticipate na susunod na kontrobersya kina Piolo at Shaina,
Nauna na nang inintriga si Shaina na nabuntis ito ng actor.
Pero sabi nga ni Papa P, ‘bata’ pa siya para makabuntis.
“Buntis nga raw siya eh. Buti pa ‘yung mga tao alam,” sobrang natatawang reaction ni Piolo sa isang chikahan with selected entertainment press.
“Pinagtatawanan na lang namin actually. Noong isang araw nagkasama kami tapos nagpa-picture siya may kasamang bata. Sabi ko, ‘o, bata na siya! I just make fun about it. People make stories to get people’s attention,” dagdag pa niya noong Huwebes sa KAO Manila at World Resorts Manila.
Pero inamin ni Piolo na si Shaina, ang rumored girlfriend niya, ay isa sa mga pinagmumulan niya ng inspirasyon kahit noon pa.
Samantala, kahit sobrang hirap daw ng role niya sa pelikulang Mallari na isa sa 10 official entries sa MMFF, wala raw halos itong take 2 sa mga eksena.
Lahat take 1 lang lahat ayon mismo sa producer nilang si Bryan Dy ng Mentorque, producer ng Mallari.
Ito bale ang first time ni Papa P na gumawa ng horror drama movie. Inspired ang Mallari ng buhay ng isang serial killer priest mula sa direksyon ni Derrick Cabrido at panulat ni Enrico Santos.
Magsisilbi itong MMFF comeback ni Papa P matapos siyang magbida sa Dekada ’70 noong 2002.
- Latest