James, sinagot ang paglayas ni Liza?!
Ito nga ba ang sagot ni James Reid sa kumakalat ng intrigang nilayasan na siya ni Liza Soberano?
Nagbahagi ng litrato nila ni Liza si James habang may kumakalat na kwento wala na sa kanyang management na Careless ang aktres.
Ipinost niya ang photos niya kung saan magkasama sila sa isang event habang may litrato rin siya kasama ang karelasyong si Issa Pressman.
Tila ito ang patunay niya na hindi pa rin kumakalas sa kanyang recording label at talent management agency ang girlfriend ni Enrique Gil.
Ayon kay Liza ay abala siya ngayon sa pag-aaral ng Korean upang ma-penetrate na rin ang Korea. Sineseryoso raw niya ang pag-aaral nito dahil pangarap niyang makapasok sa isang K-drama o ‘di kaya ay movie.
Pahayag niya tungkol sa pagsabak sa Korean entertainment, “Of course, I feel like it’s any actor’s dream to be in a K-drama or be in a movie here in Korea.
“I personally consider Korea to be the next Hollywood or if not already the new Hollywood. They’re making so much noise in entertainment.”
Magsalita kaya sina James at Liza tungkol sa intrigang ito? O totoo nga kayang ang tiyahin na ulit ng aktres ang nagma-manage sa kanya?
Sa ngayon ay naghihintay pa ang fans sa pahayag nila tungkol dito.
‘Social media, nakakawala ng depression’
Alam n’yo ba na ang IG ko na lang nakakawala ng brain fog ko.
Kundi pa sa IG ko, talagang catatonic na siguro ako.
At in fairness ha, marami naman akong followers. Alam n’yo ba na medyo nadi-depress na ako dahil sa parang weak ang katawan ko? Pero tuwing pinapasok ako ng depression, mag-a-IG lang ako nawawala na.
Ang laking bagay talaga sa akin ang IG ko. Nawawala ang depression ko, at nagkakaroon ako ng motivation pa para magpatuloy pa sa buhay. Pero parang pagod na pagod na ako dahil nga sa mga nararamdaman ko.
Pero thank you, Salve and Gorgy (Rula), nandiyan kayo. Salamat.
- Latest