^

PSN Showbiz

Jennica, nakatisod ng manliligaw sa Korea!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennica, nakatisod ng manliligaw sa Korea!
Jennica
STAR/ File

Mukhang masaya ang lagay ng puso ngayon ni Jennica Garcia.

May bulung-bulungan na isang Koreano raw ang nagpapasaya sa aktres ngayon. “Hindi ko kaya magsinungaling, ie-explain ko. Sa Korea kasi medyo mabenta tayo ha-ha-ha. Nagulat ako kasi dati pumunta tayo sa Poblacion (Makati), tapos sabi ko, hindi ako pinapansin ng mga afam (Amerikano). Parang sabi ko nakakababa ito ng self-esteem,” nakangiting kwento ni Jennica.

Laking-gulat umano ng aktres nang minsang pumunta sa Korea at mayroong mga nagkakagusto sa kanya.

Masayang ibinahagi ni Jennica sa It’s Your Lucky Day ang mga nangyari sa Korea. “Pagpunta ko ng Korea, hala! Dito pala! Tapos may nakausap ako kaya lang ang hirap mag-English. Kailangan ibabarok mo din ‘yung English.

“Sabi ko, kung sa Filipino nga hindi na kami magkaintindihan, Koreano pa, wala na talaga,” maikling pagbabahagi ng aktres.

Moira, nagsalita sa pagiging lasinggera

Marami ang nagulat nang ilunsad si Moira dela Torre bilang ambassador ng isang sikat na sangria brand sa bansa. May ilang netizens ang nagtanong kung malakas ba talagang uminom ng alak ang singer at songwriter. “Lasinggera ba ako? Hindi, pero mabilis ba ako mala­sing? Magkwento na lang po ako. Nag-TikTok po ako for Maria Clara Sangria, tapos nakatatlong glass po ako. Pagkatapos ko po i-shoot ‘yon nalasing na po ako. Hindi pa po nalabas ‘yung Virgin Sangria no’n,” natatawang kwento ni Moira.

Para sa singer ay hindi naman masama ang pag-inom ng alak. Ayon kay Moira ay kailangan lamang na maging kontrolado ang bawat tao lalo na sa pag-inom ng alkohol. “I think it’s a moderation. It’s your constant companion. It’s a constant that we don’t overdo it. I think in the new lifestyle that I have adapted into my life. It’s something that I would go to whenever I want to rest, whenever I want to just have my down time or whatever I just want to reward myself. It’s not something I deprived myself of and so it can be a reward. It could be rest, it can be something I can celebrate alone or with the people I love. Everything in moderation,” paliwanag niya.

Ibang-iba raw ang tema ng commercial jingle na nilikha ni Moira pa sa produktong ineendorso. “I actually wrote three other songs. When I looked back at the campaign brief, it was very far from the jingles that I had made. So I made something that I thought would be nice to listen to whenever you have a glass on hand, trying to unwind, trying to forget things, escape things. Or trying to just rest your mind from thinking about the things you don’t want to think about for a moment. I wanted to accompany that with music that will ease your mind for even just for a little bit and remind you that, ‘Kaya mo ‘yan. You’re not alone in this, and things are going to be alright,” makahulugang paglalahad ng singer-songwriter.  

(Reports from JCC)

JENNICA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with