Anak ni Francis M. ni-like tweet vs 'kerida' ng ama, inis paano inilutang isyu
MANILA, Philippines — Hindi naiwasan ni Frank Magalona — anak ni "Master Rapper" Francis Magalona — na magpakita ng pagkabanas sa biglaang paglutang ng diumano'y naging kabit ng kanyang yumaong ama.
Ni-like kasi ni Frank ang tweet ng X (dating Twitter) user na si @JoselKnow kung saan tinawag na "mistress" at "homewrecker" ng pamilya Magalona ang dating flight attendant na si Abigail Rait.
"I find it weird watching the video of Pinoy Pawnstar where a homewrecker revealed his affair with Francis M., saying, '15 years akong nanamihik.' Of course, you will. You're a mistress. Duh," sabi niya.
And people looking at this woman with sympathy and romanticizing their affair, but all I thought about in that moment was the housewife who fought beside her cheating husband during those years of battling with cancer, all the while trying to hold her family together.
— Joselknow (@JoselKnow) October 17, 2023
Tinutukoy dito ang paglutang ni Abigail sa "Pinoy Pawnstars" episode ng Youtube channel na Boss Toyo Production kung saan ibinenta ni Rait ang pirmadong jersey shirt ni Francis M. sa halagang P500,000.
Ibinunyag din niya sa naturang video na taong 2006 o 2007 pa raw sila nagsimulang magkarelasyon. Nagkaroon din aniya sila ng anak na babae na 15-anyos na ngayon, bagay na kanya ring ipinakilala.
Wala pang opisyal na pahayag ang pamilya Magalona tungkol sa isyu sa ngayon.
Gayunpaman, kitang-kita sa opisyal na X account ni Frank kung ano ang kanyang saloobin — bagay na tahimik lang niyang ipinahiwatig sa pamamagitan ng pag-like sa tweet ni @Joselknow.
Umabot na sa 1.9 million ang videos ng video nina Abigail Rait habang isinusulat ang balitang ito.
Mainit tuloy na diskusyon ngayon sa Philippine Internet ang sinasabing pangangaliwa, dahilan para idiin nang maraming netizens ang puntong "cheating is cheating."
Ipinupunto naman ng ilan na "hiwalay" na raw sina Kiko at Pia Magalona nang mangyari ang isyu, habang idinidiin naman ng iba na walang kasalanan ang bata sa lahat nang ito.
Matatandaang namatay sa sakit na cancer si Francis M. noong Marso 2009. Maliban sa pagiging haligi ng hip-hop music sa Pilipinas, kilala rin ang nabanggit sa pagiging aktor at TV host para sa noontime show na "Eat Bulaga!"
- Latest