Nora, Maricel, Nadine, shake... laglag MMFF 10 ang official entries, Vilma, Piolo, Eugene lusot
Sampu ang official entries sa Metro Manila Film Festival for this year.
Anim na pelikula ang napili nila sa 30 finished films na nag-submit para sana sa additional four movies. Magic 8 ang traditional na kasali sa taunang film fiesta na this year ay nasa 49th year na.
Kaya’t sampung pelikula ang mapapanood sa mga sinehan simula sa Pasko.
Sadly, laglag sa listahan ang pelikula nina Nora Aunor, Maricel Soriano, Nadine Lustre, Shake, Rattle and Roll at iba pa.
Pinangunahan ni MMFF Selection Committee head Jesse Ejercito, MMDA / MMFF Chair Romando Artes, Atty. Rochelle Ona, and MMFF spokesperson Noel Ferrer ang naganap na announcement kahapon ng anim na pelikula na bumuo sa Magic 10 base sa mga sumusunod na criteria: Artistic Excellence - 40%, Commercial Appeal - 40%, Filipino Cultural Values - 10% and Global Appeal - 10%.
Aminado silang madugo ang naging screening at deliberation. “Meron kaming mga score sheet talaga at ibang klase ang Manila Film Festival eh kasi merong category ng commercial, artistic at merong nagkakaroon ng genre na maraming drama eh. So talaga siguro ‘yung pumasok na horror, drama ngayon kung sinong highest doon limited hindi ‘yung basta may quality lang bibigay na. May limitations din eh bawal din ang artista sa dalawang pelikula ‘yung lead actor,” pahayag ni Mr. Ejercito sa mga nagtanong kung bakit hindi nakapasok halimbawa ang pelikula nina Nora at Maricel na inasahan pa naman ng ibang mabubuhay ang tapatan ng mga veteran star.
Sa case raw nina Dingdong Dantes (Rewind) at Piolo Pascual (Mallari), isa lang dun ang pinagbibidahan nila at special participation sina Dingdong (Firefly) and Piolo (GomBurZa).
Anyway, kabilang nga sa kumumpleto sa 10 official entries ang mga pelikula When I Met You In Tokyo, Firefly, GomBurZa, Becky and Badette, Mallari and Broken Hearts Trip.
Nauna nang napili ang top 4 na Kampon, Penduko, Rewind and Family of 2.
Starring sa When I Met You in Tokyo sina Vilma Santos, Christopher De Leon, Tirso Cruz III, with Darren Espanto and Cassy Legaspi, directed by Rado Peru, Christopher and Rommel Penesa.
Ang Firefly ay pinagbibidahan nina Alessandra De Rossi and introducing Kapuso child actor Euwenn Mikaell.
Ang GomBurZa ay pinagbibidahan nina Dante Rivero, Cedrick Juan, and Enchong Dee, with Piolo Pascual, directed by Pepe Diokno.
Ang Becky and Badette ay pelikula nina Eugene Domingo and Pokwang, directed by Jun Robles Lana.
Starring Piolo Pascual, Janella Salvador, Elisse Joson and Gloria Diaz, directed by Derick Cabrido ang pelikulang Mallari at ang Broken Hearts Trip ay starring sina Christian Bables and Teejay Marquez directed by Lemuel Lorca.
Nauna na sa official entries sina Marian Rivera and Dingdong Dantes sa pelikulang Rewind directed by Mae Cruz Alviar.
Family of Two na ang title ng pinagbibidahang pelikula nina Sharon Cuneta and Alden Richards, directed by Nuel Naval.
Sina Derek Ramsay and Beauty Gonzalez ang starring sa (K)Ampon ni Direk King Palisoc.
At ang Penduko nina Matteo Guidicelli and Kylie Verzosa ay directed Jason Paul Laxamana.
Aabot daw sa 800 theaters ang pagpapalabasan ng 10 official entries at equal ang number of theaters. “Equal number of theaters po kasi ira-raffle naman po ‘yan natin to make sure na equal ‘yung sinehan na paglalabasan,” paniniguro ni Chair Artes.
Bukod sa first time na may 10 entries ang MMFF, magkakaroon din ito version sa Hollywood.
“Ito po ang mag-o-open ng doors sa ating movie industry na maka-penetrate sa Hollywood. Anyway dapat po kausap po namin ‘yung team sa US, na ka-partner po natin. Kung ang napili po na ilagay sa Oscars ay About Us But Not About Us dapat po gagastusan namin. Unfortunately, hindi po siya napili wala naman po kaming hand doon. So again, this will lead open the door for Filipino movies. Maganda po ‘yung partnership namin sa MMFF. At hopefully, eventually ma-break po natin ‘yung barriers at magkaroon po tayo ng nominee sa Oscars,” dagdag pa ni Atty. Artes at nabanggit din niyang may may sariling awards night doon.
- Latest