^

PSN Showbiz

Hopia, nganga sa investment!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Hopia, nganga sa investment!
Hopia
STAR/ File

Isa na palang CEO ng skincare products itong dating miyembro ng EB Babes na si Ann Boleche na mas nakilalang si Hopia.

Sandali naming nakatsikahan si Ann sa nakaraang mediacon ng Gabay Guro na sponsor ang kanyang kumpanya na magkakaroon na ng malaking event ngayong araw sa Dolphy Theater.

Parang nahihiya pa ang dancer nang batiin naming executive na pala siya.

Nagtulung-tulong daw sila ng kanyang sister at brother-in-law na mapaunlad itong negosyo, pero malaking bagay ang pagiging celebrity niya kaya napapasok niya ang showbiz at endorsements ng mga kaibigan niyang artista.

Hindi na siya gaanong active sa showbiz at dito na siya naka-focus sa kanyang kumpanya.

Pero nang tinanong namin ang dating EB Babe kung nakapag-invest din ba siya sa Casino junket na in-introduce ni Yexel Sebastian, ngumiti na lang siya.

Hindi na talaga siya nagsalita.
Tumango na lang siya nang kulitin namin at tinapos na namin ang interview.

Magkaibigan kasi sila ni Yexel, at isa nga siya nakumbinsing mag-invest. Pero ayaw na niyang sabihin kung magkano.

Umaasa pa rin naman siyang maibalik ‘yun at sana maayos daw itong problemang hinarap ng kaibigan.

Mas nanaig pa rin kay Ann Boleche ang friendship nila ni Yexel, kaya nanahimik na lang siya.

Lara, nakapag-ipon ng eggs

Nagulat kami nang kinuwento sa amin ng dating sexy star na si Lara Morena na meron na raw silang 4-year-old daughter ni Paolo Bediones.

Sampung taon na rin ang relasyon nina Lara at Paolo, at kulang na lang ay ang kasal. Pero darating naman daw sila diyan.

Nasa late 40s na si Lara kaya tinanong namin kung puwede pa ba siyang mabuntis.

Inamin ng aktres na dumaan pala sa surrogacy ang kanilang anak.

Nakapag-save raw siya ng egg cells niya at meron na raw siyang embryos na na-fertilize kaya ilang beses din nilang sinubukang mabuo, pero nag-fail ito.

“We tried and tried, and tried. And talagang maraming... like four times.

“Ang pinakahuli was kambal dapat, it happened before Christmas nung nawala sila.

“Parang ayoko na sana. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng iwan mo, i-abandon mo ‘yung mga embryos mo na nandodoon. Buo na sila e. Six days old na sila e.

“So, ‘yun! We tried and... medyo magastos po,” kuwento sa amin ni Lara sa story conference ng bago niyang pelikulang Virgin Sisters.

Hindi lang idinetalye ni Lara kung saan nila ito ginawa na kumuha ng surrogate mother para ipagbuntis ang baby nila ni Paolo.

Thankful siya na naging successful, kaya talagang sila raw ni Paolo nag-hands on na nag-aalaga sa kanilang anak.

“Talagang pinlano namin ‘yun. Four years old na siya, magbi-birthday na siya e.

“Actually, wala kaming yaya. Parehas kaming parang first timer as a parent kasi ‘yung dalawa ko before with my first partner, talagang may mga yaya ‘yan. Hindi lang isa, dalawa talaga.

“This time, talagang kami lang ni Pao. Sobrang hirap!

“Dumating kami sa point na... masarap na nakakapagod, pero masaya, sobra! ‘Yung tipong, minsan sumisigaw ka na lang sa sobrang pagod. Pero isipin mo na lang, minsan lang ‘to e. Pagdadaanan ng bata e.

“Sabi ko sa sarili ko, in two years time magsosolo na ‘yan. Magkukulong na ‘yan sa kuwarto, magkakaroon ng bagong friends, may sarili na ‘yang mundo. Hindi kagaya ngayon na kami ‘yung buhay niya, talagang nakadepende sa amin.

“Iba talaga! And very mature ‘yung bata. ‘Yung sobrang napaka-smart and maliksi talaga,” pagmamalaki ni Lara.

HIndi pa muna nila plano ang magpakasal dahil mas naka-focus daw sila sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Abala pa raw si Paolo sa mga business niya, at si Lara naman ay active rin sa pag-aartista.

vuukle comment

HOPIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with