Maymay, iniyakan ang mga trauma
Nagsisilbing inspirasyon para kay Maymay Entrata ang kasintahang si Aaron Haskell na nakabase sa Canada.
Mas pinagbubuti umano ng aktres ang trabaho dahil masaya ang estado ng kanyang buhay-pag-ibig. “Sobrang nai-inspire ako lalong magtrabaho kasi masaya ang estado ng puso ko. Though hindi naman lagi masaya araw-araw, pero kung pipiliin mo maging masaya araw-araw, why not? Kasi temporary lang naman ang buhay,” bungad ni Maymay.
Ayon sa dalaga ay mas mabuting maging positibo lamang ang kanyang mga pananaw sa buhay.
Mas naging matatag umano si Maymay dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan. “Dati kasi napagdaanan ko na lagi kong hinahayaan na ‘yung mga negatibo sa buhay ko na kaianin ang bawat desisyon ko sa pang-araw-araw. Hanggang na-realize ko na hindi pala siya okay. Hanggang umabot sa point na nawala ako, pero natuto ako. No’ng natuto ako ay ‘yun naman ang pinaka-worth it na feeling, matagumpay na feeling na hinayaan kong iyakan ang lahat, lahat ng trauma, lahat ng pinagdaanan ko. Kasi dahil doon ay mas naging strong ako ngayon, mas naging masaya ako. Mas nakikita ko ang mga taong alam kong totoo sa akin. Alam kong mahal ako at susuportahan ako at good for my soul,” makahulugang paglalahad ng dalaga.
Richard, may malaking misyon
Mamayang gabi na ang pagtatapos ng The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
Sinisiguro ng aktor na talagang magugustuhan ng mga manonood ang kanilang huling episode. “We wanted to show different style in a more male-centric story and telling it on our characters. Makikita n’yo ‘yan until the end and meron pang mga plot twist na dapat abangan, brace yourselves. We have this one big mission left. We are going to make a worthwhile for the audiences. Definitely we are going for the best, expect fireworks. We’re going to give our best on this one and will surprise a lot of people also. Abangan n’yo ‘yung mangyayari sa ending kasi doon malalaman kung sino talaga ‘yung characters namin,” nakangiting pahayag ni Richard.
Hindi naging madali para sa aktor ang halos isang taong pagtatrabaho para sa magwawakas na serye. Ginawa ni Richard at mga kasamahan sa serye ang lahat upang makapagbigay ng magandang programa para sa mga manonood. “Maraming challenges for the show since the very start. ‘Yong time constraints, of course we were trying to do action sequences and if the best time of action that we can do and get the number of sequences each taping day. The beginning of the show we were given a month to shoot before airing. Then we had high expectations for ourselves. The rest of the directors, the actors, we wanted to give our best and it was an upbeat challenge from the very beginning. Then we started to get our groove. We became fans of our show, we believed in the show. We believed in each other that we can push through and carry on. It’s really the teamwork that made the dream work. So ‘yon ang nangyari sa amin,” kwento niya.
Malaki ang pasasalamat ni Richard dahil maganda ang kinalabasan ng kanilang programa. Para sa aktor ay malaking bagay na napahaba ang pag-ere ng The Iron Heart. “When we were starting to discuss the season 2, that was the beginning of signs. They gave us an Italy shoot and extension of our season 2. That’s when we realized na, ‘Oh! We are doing something great for the company, something good in the company. Everybody’s happy for the show. So nakaka-proud na parang maybe we were not in favor in the beginning but God definitely favored us. That’s the most important,” pagtatapos ng aktor.
(Reports from JCC)
- Latest