^

PSN Showbiz

Aktor na si Ricardo Cepeda, nayari sa syndicated estafa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aktor na si Ricardo Cepeda, nayari sa syndicated estafa
Ricardo Cepeda
STAR/ File

Brand ambassador daw ng investment scheme

Wrongfully accused nga ba si Ricardo Cepeda sa kasong syndicated estafa?

Ang sabi-sabi, brand ambassador lang diumano ng nasabing sales company ang dating mister ni Snooky Serna.

Nag-o-offer daw ang nasabing kumpanya ng investment scheme na wala diumanong alam ang actor.

At tulad sa maraming scam, nangangako raw ang kumpanya ng mala­king profit buwan-buwan at may guarateed advance payouts sa pamamagitan ng monthly postdated checks.

Hanggang nagba-bounce na ang check kaya nag-file na ng estafa cases ang mga investor.

Inaresto nga si Ricardo Cepeda sa Caloocan City sa kasong syndicated estafa noong nakaraang Biyernes.

Ayon sa mga report, nahuli ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 57-anyos na actor na si Richard Cesar Go sa totoong buhay sa isang restobar sa Mabini street sa Maypajo bandang alas-11 ng umaga.

Dala nga raw ang warrant of arrest laban kay Ricardo ng mga pulis na humuli sa kanya para sa kasong syndicated estafa sa ilalim ng Article 314 ng Revised Penal Code in relation to Presidential Decree 1689.

Hindi na diumano nanlaban ang kasalukuyang partner ng dating beauty queen na si Marina Benipayo nang ikulong siya ng mga pulis.

Ang warrant of arrest ay inilabas ni Regional Trial Court Branch 12 Judge Gemma Bucayu-Madrid sa Sanchez Mira, Cagayan.

Wala raw ibang detalye tungkol sa mga kaso nito.

Sa ilalim ng PD 1689, habambuhay na pagkakakulong ang ipinapataw sa syndicated estafa na binubuo ng lima o higit pang mga tao na may layu­ning isagawa ang labag sa batas o iligal na pagkilos, transaksyon, negosyo o pamamaraan, at ang pandaraya na nagreresulta sa maling paggamit ng pera na iniambag ng mga stockholder, o miyembro ng rural banks, koope­ratiba, at kung anu-ano pa.

Last week naman ay nagsampa ng kaso mag-jowang sina Mikee Quintos and Paul Salas sa Makati City Prosecutor’s Office dahil na-scam din sila.

Nag-invest sila sa cryptocurrency group at ang nakuha diumano sa kanila ay almost P8 million.

Tulad sa mga iba pang nangyaring scam, pinangakuan sila na dodoble ang pera nila ‘pag nag-invest sila.

Pero ayon sa interview sa Kapuso stars, hindi na sila binalikan.

Sa umpisa ay nakaka-deliver ang mga scammer pero ‘pag nakalipas na ang ilang linggo, nawawala na.

Payo pa ng actor, ‘wag masyadong magtiwala lalo na kung pinaghirapan mo ang pera mong i-invest.

Malaki rin ang nawalang pera kina Luis Manzano at Tom Rodriguez sa scammer.

Ganundin diumano si Sunshine Dizon.

Ang nakakataka lang, sa rami ng nagpapaalala na ‘uy ‘wag basta maniwala sa mga pangakong dodoble nang mabilisan ang pera n’yo’ ang dami pa ring naloloko.

Na ang iba lifetime savings pa ang nalilimas.

Ibig sabihin marami talagang gustong magkapera sa mabilis na paraan.

Pero walang ganun sa totoong buhay.

Dapat paghirapan mo para magkaroon ng maraming datung.

RICARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with