^

PSN Showbiz

Paolo, ayaw nang tumaba!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, ayaw nang tumaba!
Paolo
STAR/ File

Itinuluy-tuloy na ni Paolo Contis ang pagpapapayat pagkatapos niyang gawin ang pelikulang Fuchsia Libre sa Mavx Productions.

Ang hirap daw ng ginawa niya para sa pelikulang ito para maging kapani-paniwala ang role na ginagampanan niya bilang isang MMA fighter na bading.

Tatay niya rito si John Arcilla na challenging din ang role sa pelikula. At bilang paghahanda nga, nagpapayat si Paolo.

Kaagad na 20 pounds ang na-lose niya. At pagkatapos ng shooting, 27 pounds na raw ang ipinayat niya. Kaya itinuluy-tuloy na niya ang ensayo at gusto na raw niyang ma-maintain ito.

Ang ganda rin daw experience niya habang ginagawa ang pelikula.

“Maraming mahirap na eksena sa Fuchsia pero ang gaan ka-work ni Tito John. Ang sarap niyang panoorin at pakinggan kasi madadala ka. Every take iba-iba ang binibigay niya kaya nakakaganang mag-work,” text sa amin ni Paolo.

Bukod dito sa Fuchsia Libre, natapos na rin ng Kapuso actor sa Mavx ang A Journey kasama sina Patrick Garcia at Kaye Abad.

Hindi na nila ito hinabol sa submission ng Metro Manila Film Festival dahil lalapatan pa ng music.

Ang nakakalungkot lang, hindi pa nila iniisip kung iri-release ito sa mga sinehan dahil mahina pa rin ang mga pelikula sa ngayon. Mas iniisip na nila sa mga streaming service, kagaya ng Netflix, Prime Amazon at marami pa.

Ang isa nga nilang pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars na sumemplang naman sa takilya ay ilang araw nang nasa top 10 movies in the Philippines today sa Netflix. Nagsimula siya sa number 9, at kahapon ay nasa top three na ito.

Kaya mas rewarding pa ito sa kanila lalo na’t halos bawi naman nila ang puhunan kapag naibenta ito sa streaming service.

Kaya nakikipag-usap na sila ngayon sa Netflix para dito sa pelikulang Fuchsia Libre at A Journey.

Ang gaganda pa namang pelikula, pero hindi napapanood sa wide screen kaya nakakapanghinayang.

So far, sa ngayong taon ay ang pelikulang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon ang pinakamalakas na pelikulang ipinalabas sa mga sinehan.

Sa loob ng walong araw ay naka-P66 million na ang kinita nito. Ang tantiya ng iba makaka-P100 o P120 million pero ang sabi ng aming reliable source, para makabawi raw ang pelikulang ito, kailangang kumita ito ng P150 million. Pero ewan ko kung makakaya nilang kitain ito dito sa Pilipinas kahit marami pang mga international screenings na naka-schedule.

Jillian, nag-action

Raratsada si JilliaRaratsada si Jillian Ward sa primetime ngayong Sabado.

Sisimulan muna ng Star of the New Gen sa Abot-Kamay Na Pangarap na hanggang Sabado ang airing nito pagkatapos ng Eat Bulaga.
Pagdating sa primetime ay siya ang bida sa pagbabalik ng drama fantasy series ng GMA 7 na Daig Kayo ng Lola Ko.

Tampok sa buong buwan ng October ang bagong episode nito na pinamagatang Captain Kitten na gagampanan ni Jillian. Isa na siya sa mga batang bida sa Daig Kayo ng Lola Ko na hinu-host pa noon ni Gloria Romero.

Ngayon ay dalagang-dalaga na siya at napatunayan na niya sa Abot-Kamay Na Pangarap kung gaano siya kalakas sa drama series.

Pero ibang Jillian naman dito sa Daig… dahil mapapa-action siya rito at ang sexy pa niya sa costume niya.

Pagkatapos ng Daig, muli siyang mapapanood  sa 50th anniversary special ni Sen. Bong Revilla na magsisimula ng 8 ng gabi.

Idol Ko Si Bong ang title ng special na kung saan kasabay ng pagdiriwang ng 57th birthday ni Sen. Bong, may selebrasyon din sa kanyang 50th anniversary sa showbiz.

Isa si Jillian sa nagbigay ng special number para kay Sen. Bong.

PAOLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with