Julia, binigyan ng perfect score si Coco!
Bongga,, marami ang nakapansin ng suot na singsing ng aktres na si Julia Montes noong ABS-CBN Ball 2023. Kaya naintriga ang mga tagahanga at netizens kung engaged na nga ba sila ng karelasyon na si Coco Martin.
At siyempre ako na rin. Gusto kong malaman kung ilang karat ‘yun siyempre.
Kaya nang diretsahang tanungin ni Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang Kapamilya actress kung engaged o kasal na ba sila “Julia, my question is engaged na ba kayo? Kasal na ba kayo? Ano ba ang inyong estado ni Coco Martin? Would you like to talk or dare?”
Sinagot naman ito ni Julia ng “Let’s cross the bridge when we get there” at hindi na dinetalye pa ang sagot.
Pero inamin din niyang nahanap na niya ang kanyang ‘the one.’
Sinabi niyang masaya siya ngayon sa estado ng relasyon nila.
Nang tanungin siya kung sino si Coco sa buhay niya ay tinawag niya ang Batang Quiapo actor na “My knight and shining armor.”
Naaliw naman si Boy nang tanungin niya kung gaano kaselosa ang aktres at inaming may pinagselosan na siyang artista.
Lutang ang saya ni Julia sa relasyon nila ng aktor kaya naman nang tanungin siya gaano ka-in love ay perfect score ang binigay nito.
Kaya lang hindi pa rin niya nasagot kung ilang karat ‘yun noh. Hahaha.
- Latest