^

PSN Showbiz

Punit na Plaster sa Punit na Langit

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Mahilig magluto si Aerol Carmelo kaya naisipan n’yang kumuha ng kursong Culinary Arts. Natapos naman n’ya ito pero na-realize n’yang hindi pala ito ang gusto n’ya. (eh ako ba gusto mo, bro?!)

“Iba pala ang love for cooking sa love for the hospitality industry. Mahal ko ‘yung pagluluto pero ‘yung nagse-serve na, ‘yun pala ang ‘di healthy for me. “ Pagpapaliwanag ni Aerol. (pagsilbihan kita, bro!)

Pag-aartista pala ang tunay na hinahanap n’ya. “Bata palang ako, gusto ko na talaga mag-artista. Impluwensya kasi ‘yan ng lola ko. Kasi ‘yung lola ko, mahilig talaga s’ya manood ng pelikula. Tapos naisip ko na someday sana mapanood ako ng lola ko. “ (make your lola proud, koya!)

Hindi naging madali para sa Bulakenyong ito na pasukin ang showbiz, pero may mga taong tumulong sa kanya. “Nahirapan talaga ako nung una, kasi wala akong kilala, wala akong connections. Pero nung ma-discover ako ni Tito Jojo Veloso, nabigyan ako ng chance. Tinuruan n’ya ako tungkol sa showbiz at tinulungan na makapasok sa Viva. “ (buti naipasok mo, bro!)

Marami na s’yang naging proyekto sa Vivamax, pero isa sa paborito n’ya ay ang “Tag-Init,“ ni Direk Jose Javier Reyes. “First time ko mapasama sa main cast at binigyan talaga ako ng chance ni Direk Joey. D’yan sa movie na ‘yan, may butt exposure ako.” (so sa ibang films anong na-expose?!)

Ngayon naman ay pinag-uusapan ang pinakabago n’yang Vivamax movie ang “Punit na Langit“ kung saan kasama n’ya sina Tiffany Grey at Apple Dy (so paano napunit, bro?!)

“Tungkol sa dalawang magpinsang babae. ‘Yung isang pinsan, may kapansanan. ‘Yung isa, gusto na umalis ng probinsya. Pareho silang naka-eksena ko.” Paglalahad ni Aerol. (alam mo bang pinsan ko rin sila, bro?!)

Maingat daw si Aerol sa tuwing may mga maseselan siyang eksena pero may ‘di raw sinasadyang mapunit sa Punit na Langit. (nakaka-tense ‘yung may punitan ha!)

“Yung eksena namin sa bundok. Open ‘yung lugar. Walang bahay.  So medyo mainit. Duon namin ginawa ‘yung love scene namin ni Apple. Syempre mainit tapos may mga ginagawa kami, ‘di ko napansin napunit ‘yung plaster ko, bumigay na dahil sa init at pawis.” Pagkukuwento ni Aerol.  (parang ako ‘yung bibigay sa’yo, bro!)

Sa kanyang guest appearance sa digital show naming WTFu, nabanggit ng 23 anyos na binata na desidido s’yang karirin ang pagpapa-sexy basta h’wag lang daw frontal nudity. “Tingin ko ‘di ko kaya kasi wala akong courage. Kaya wala akong ibang ipapakita kundi butt. Hanggang dun lang talaga.” (“butt “naman ganon bro?! chos!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

CULINARY ARTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with