^

PSN Showbiz

Joshua, tipid ang sagot tungkol sa jowang si Emilienne

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Joshua, tipid ang sagot tungkol sa jowang si Emilienne
Emilienne
STAR/ File

Finally ay nagsalita na rin si Joshua Garcia tungkol sa pinag-uusapang relasyon nila ng French-Filipino athlete na si Emillienne Vigier.

Nakikita naman sila sa social media, pero wala naman silang inaamin kung ano talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Pero nang nakapanayam namin ang Kapamilya actor sa media announcement ng bagong pelikula niyang Fruitcake, napilitan na rin siyang magbigay ng pahayag para malinaw lang daw na hindi niya idini-deny si Emillienne Vigier.

Aniya, “Para maklaro na lahat and wala nang maitanong ang lahat. Baka kasi sabihin nila, dini-deny ko ‘yung babae ‘di ba?

“Hindi ko siya dini-deny. It’s just that, ako and her, decided not to share it to everyone. Kasi, ‘yung relationship na ‘yan ay kami lang naman ‘yung parte dun e.”

Sa ngayon ay mas gusto raw niyang tahimik na lang at manatiling pribado pagdating sa kanyang love life.

“Galing na kasi ako sa iba’t-ibang klaseng relationship. Every time na sini-share ko siya sa lahat, parang... nagkakagulo, alam mo ‘yun? Nagiging shaky ‘yung relationship kasi.

“Parang... this time, mas pinapahalagahan ko ‘yung privacy ko para sa ganung aspect. Ganung klaseng ano...hindi lang dun, pati sa pamilya ko ‘di ba?

“Hangga’t maaari kasi, sa panahon ngayon mas okay kung private na lang tayo,” sabi pa ni Joshua.

Kapag tungkol na kay Emillienne ang mga tanong namin, tipid na tipid na naman ang sagot niya.

Napangiti naman siyang nag-”yeah!” nang diretsahan naming tinanong kung inspired ba siya ngayon.

Wala na raw siyang maidadagdag pang sagot tungkol sa kanlla ni Emillienne dahil napagkasunduan na nilang pribado na ang aspetong ito sa kanyang buhay.

“Like I said, wala akong sasabihin kahit ano. And that’s me and her decision. Para peaceful lang din.

“I mean is, what you see is what you get talaga ‘di ba? Lalo ngayon, lahat nasa social media na.

“Kung makita nila ‘yun ‘di ba? HIndi mo na kailangan i-elaborate pa kung ano ‘yung mangyayari,”  sabi pa ni Joshua.

Si direk Joel Ferrer ang director nito na siya ring nagsulat kasama si Miko Livelo, under the production of Cornerstone Studios at Creative Cinema.

Young actor, may ebidensya ng pagtataksil ng ex na young actress!

Ilalabas kaya ni young actor ang na-screen grab niyang chat ng dating girlfriend at ang sikat na aktor?

Ang sabi ng ilang sources namin, noon magdyowa pa sina young actor at itong si young actress, nakarating sa kanya ang isyu ng girlfriend kay sikat na aktor.

Nahuli raw si young actress na nanggaling sa aktor ni sikat na aktor.

Hindi pa rin nagpaapekto si young actor, pero nang ipinadala sa kanya ang screen grab ng chat ni young actress at itong si sikat na aktor, doon na siya nag-decide na panahon nang tapusin ang kanilang relasyon.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay na ito.

Ngayon ay sinusulsulan daw si young actor na ilabas na ang chat na ‘yun.

Tiyak na ikakawindang daw ng fans ni sikat na aktor at guguho ang pagtingin kay young actress na akala mo siya ang pinagtaksilan ng dating boyfriend, e mukhang kabaligtaran ang nangyayari.

Ang galing lang daw talaga ng nagha-handle kay young actress para magmukha siyang inosente, pero kapag makita raw ang usapan nila ng sikat na aktor, doon makikilala kung ano siyang klaseng babae.

Curious kami kung ano ba talaga ang nakapaloob sa chat na ‘yun nina sikat na aktor at si young actress.

Matagal nang nakapag-move on si young actor, ewan ko kung ilalabas pa niya ang chat na ‘yun.

vuukle comment

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with