^

PSN Showbiz

Donny, natupad ang pangarap na makatrabaho si Maricel

SHOWBIS NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Donny, natupad ang pangarap na makatrabaho si Maricel
Donny
STAR/ File

Si Donny Pangilinan ang magbibida para sa kauna-unahang e-sports movies sa bansa na may titulong GG o Good Game. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng aktor ang inang si Maricel Laxa-Pangilinan. “Sobrang dream come true ito para sa akin to be honest. Ever since pumasok ako sa showbiz, isang pangarap ko talaga was to have a project with my mom. And when we read the script, when we were given the idea of just portraying a mother and a son in this way, this manner, parang naging isang karangalan na makasama ko ang isang Maricel Laxa. It will be something I’m sure we will look back on as the years go by. As a movie that will probably never forget for sure,” nakangiting pahayag ni Donny.

Mag-ina rin sa naturang pelikula ang gagam­panang karakter nina Donny bilang si Seth at Maricel bilang si Iya. Ayon sa binata ay malayung-malayo raw ang pagtrato nila sa isa’t isa sa tunay na buhay kumpara sa bagong pelikula. “Kaya nga medyo weird din sa set kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. If I will treat her the same way or not. Kasi iba ‘yung eksena rin. So, mag-i-internalize pa kami. Hindi awkward eh, hindi ko ma-explain. Basta ‘yung feeling na papasok ka tapos nanay mo ‘yung kaeksena mo. It’s so overwhelming and sometimes I don’t like how to attack the scene. Kaya sobrang naging malaking tulong no’n talaga na okay ‘yung dynamics namin in real life. And of course, with everyone in the team helping us portray two completely different characters even if we really are mother and son. That’s the most important thing. Sana makita ng audience ‘yon,” pagbabahagi ng binata.

Ang nakababatang kapatid ni Donny na si Hannah Pangilinan ang tumatayong Creative Producer ng bagong pelikula. Para sa aktor ay talagang maganda ang naging resulta ng kanilang proyekto dahil na rin sa tulong ng kapatid. “It went through a whole process of looking at the script, loo­king at the material. Hindi naman gagawa si mommy ng project na she doesn’t fully believe in. Hannah is the creative producer. We have an amazing cast, an amazing story. It was a process of evaluating if it’s the best project for me and her to finally be part of,” pagtatapos ng aktor.

Jane at Rk, pinaghahandaan ang Abs-Cbn Ball

Ngayong Sabado na gaganapin ang pinakaaabangang ABS-CBN Ball 2023. Todong paghahanda na ang ginagawa ngayon nina Jane Oineza at RK Bagatsing para sa naturang event ng Kapamilya network. “Actually ito ‘yung first naming prep. Talking to our stylist, designer, conceptualizing the look. Siguro be more consistent din to diet and exercise to be fit in for the ball,” paglalahad ni Jane.

“Ako naman I rely heavily on collaboration. Kasi parang classic lang lagi ‘yung sinusuot ko eh. So this is something na gusto ko bago, out of my usual. And of course, I have to really look nice para sa katabi ko (si Jane),” dagdag naman ni RK.

Sobrang excited na umano ang magkasintahan sa kanilang magiging bihis at itsura sa naturang ball na gaganapin sa Shangri-La Makati.  “Something new kasi the last ball that we attended was Filipiniana (2019), so iba rin. It’s something that we haven’t done in a long time. So it will be interesting what everyone’s wearing. To see how they prepare for it. We’re very much looking forward to our look,” pagbabahagi ni RK.

“I trust my stylist, I trust the minds and the hearts of Paul Sese. And I’m really excited to see kung ano ‘yung magiging final look,” pagtatapos naman ni Jane. (Reports from JCC)

DONNY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with