^

PSN Showbiz

Operation tulong ng MBC, mas pinalawak

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Operation tulong ng MBC, mas pinalawak
Umabot na sa 45 taon na ang socio-civic program na ito ng MBC, at sa tawag ng panahon, nais ng broadcast network na higit na mapadali ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan upang magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa loob ng mga komunidad, lalo na sa mga malalayong lugar na madalas nahuhuli makatanggap ng serbisyo.

Palalawakin ng Manila Broadcasting Company ang sakop ng serbisyong pampubliko ng Operation Tulong upang mapagsilbihan ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

Umabot na sa 45 taon na ang socio-civic program na ito ng MBC, at sa tawag ng panahon, nais ng broadcast network na higit na mapadali ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan upang magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa loob ng mga komunidad, lalo na sa mga malalayong lugar na madalas nahuhuli makatanggap ng serbisyo.

Simula sa Oktubre 14, ang kilalang programa na inilunsad ng DZRH noong 1978 bilang punong istasyon ng MBC ay sasaklawan ng partisipasyon ng mga FM station nito sa pamamagitan ng Love Radio, Yes the Best, Easy Rock, at Aksyon Radyo stations sa La Union, Baguio, Dagupan, Laoag, Lucena, San Fernando, Santiago, Tarlac, Bacolod, Cebu, Iloilo, Tacloban, Butuan, Davao, General Santos City, at Cagayan de Oro.

Mula nang ito ay mabuo, ang Operation Tulong ay lumawak mula sa isang simpleng misyon na pinangangasiwaan ng mga radio anchor sa pangunguna ni Manny Calpito.

Noon, ang mga boluntaryong miyembro nito ay ang mga driver ng taxi, at ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang pagdala ng mga donasyon, na ipinangako sa ere sa pamamagitan ng mga programa sa gabi ng istasyon. Dahil sa magandang layunin ng program na matulungan ang mahihirap, ginawaran ito ni Pope John Paul II ng Special Papal Award.

Sa paniniwalang may kapangyarihan ang mga radiomen na isakatuparan ang mga bagay-bagay, pinahintulutan din ng Operation Tulong ang mga tagapakinig na maiere ang kanilang mga hinaing, tumawag sa mga nawawalang kamag-anak sa ano mang panig ng mundo, humingi ng libreng serbisyong legal, o umapela sa mga opisyal ng gobyerno na aksyunan ang mga isyu at reklamo.

Sa paglipas ng mga taon, ipinadama ng programa ang presensya nito sa iba’t ibang paraan.

Ang DZRH anchor na si Mae Binauhan ay patuloy na nagtatrabaho sa mga feeding program, mga medical at dental mission, bloodletting activities, job fairs, libreng konsulta sa mga abogado, at iba pang outreach activities sa pakikipagtulungan ng LGUs, medical associations, at mga pribadong organisasyon.

Sa kasalukuyan, ang Operation Tulong, sa pakikipagtulungan ng International Council For Small Business Philippines at iba’t ibang Rotary Clubs, ay nagbibigay ng mga oportunidad sa negosyo sa mga mahihirap na pamilya na naninirahan sa Metro Manila.

Asap sa Milan, may part 2

Tuluy-tuloy ang all-star Milan party ng nagla­lakihang Kapamilya stars at global Pinoy talents sa part two ng ASAP Natin ‘To Milan ngayong Linggo (Setyembre 24) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Rarampa ang ASAP Kapamilya sa Italian fashion capital na sasabayan ng Amakabogera performance ni Maymay Entrata bilang pagpupugay sa mga natatanging Pinoy designer.

Makisaya rin sa OPM hits kantahan at sayawan mula kina Bamboo, KZ, Morissette, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto kasama ang Kapamilya leading ladies na sina Kim Chiu at Janella Salvador, pati mga naggagwapuhang heartthrobs na sina Joshua Garcia, Donny Pangilinan, Inigo Pascual, Paulo Avelino, at Piolo Pascual.

Handang-handa na rin ang solo pasabog ni Donny Pangilinan, habang hindi rin pahuhuli ang TikTok hits hatawan nina Maymay, AC, at Joshua.

Todo-todo rin ang kilig na hatid ng Kapamilya loveteams nina Donny at Belle Mariano, pati nina Joshua at Janella na susundan ng maagang sorpresa mula sa lead stars ng upcoming serye na Linlang na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Swerte ang mga Kapamilya star na nakasama sa nasabing show dahil nakapasyal din sila.

MBC

OPM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with