^

PSN Showbiz

Rufa Mae Quinto at iba pang content creators, hahanapin ang Philippines’ Number 1

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae Quinto at iba pang content creators, hahanapin ang Philippines� Number 1
Rufa Mae Quinto

MANILA, Philippines — Muling magsasanib-puwersa ang GMA Public Affairs at YouTube Philippines para sa espesyal na digital seriesang Philippines’ Number 1, tampok ang ilan sa mga hinahangaang content creators sa bansa.

Eksklusibong mapapanood ito sa GMA Public Affairs YouTube channel simula Setyembre 22.

Ang Pilipinas, tila isang bansang hitik sa ‘pinaka’ at ‘numero uno.’ Ito lang naman ang tahanan ng most perfect cone-shaped volcano sa buong mundo, ng pinakamataas na kawayang estatwa, ang pinakamahabang ilog sa ilalim ng lupa, at kung anu-ano pa.

Ngunit saan nga ba mahahanap ang ‘the best of the best’ sa Pilipinas?

Matapos ang hit online series na Pinoy Christmas in our Hearts, muling magko-collab ang GMA Public Affairs at YouTube para sa Philippines’ Number 1.

Ang Palawan Island ay hindi matatawaran bilang isa sa mga pinakamagandang tourist destination hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ang kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto, mapapadpad sa isang “secret place” sa El Nido na ayon sa mga lokal ay isa sa mga lugar kung saan mararanasan mo ang ultimate island vacation. Mag-aapply rin si Rufa Mae bilang isang receptionist upang tuklasin ang mga lihim ng eksklusibong destinasyong ito.

Sa Tuguegarao City sa Lalawigan ng Cagayan naman, magtutungo ang Philippines’ Number 1 para sa tanyag nilang Pancit Batil Patung Festival. Susuyurin ni celebrity chef JR Royol ang mga lansangan ng Tuguegarao para mahanap ang pinakalumang pancit batil patung recipe at susubukan ang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng pansit na tinatawag na kinabayu. Samantala, ang sikat na vlogger na si Agassi Ching ay matapang na haharap sa Ultimate Pancit Batil Patung Mukbang Challenge dito sa Metro Manila.

Wala pa mang opisyal na dinedeklarang pambansang ulam ang mga Pilipino, ngunit malamang isa sa mga nangunguna rito ang Adobo.

Para sa mga taga-Silay City sa Negros Occidental, halos lahat ay maaaring gawing Adobo — manok, baboy, gulay, kuneho, pato, atbp. Nagdaraos pa sila ng festival kung saan iba’t ibang bersyon ng adobo ang inihahain. Nagtungo rito ang mga sikat na chef vlogger na sina RV Manabat at Abi Marquez para sa one-on-one adobo cooking showdown. Ngunit ang twist, hindi sila bibigyan ng anumang sangkap dahil kailangan nila mismo itong anihin. Ano ang magiging lasa ngadobo of their labor?”

Tuklasin ang ‘the best of what Philippines has to offer’ sa mata ng ilan sa mga pinakakilalang content creators sa bansa.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with