Mga kaso ni Awra, malalaman na kung aakyat sa korte
Malapit nang malaman kung aakyat sa korte ang kasong isinampa sa komedyanteng si Awra Briguela dahil sa pakikipagrambulan sa isang bar sa Makati kamakailan.
Nasa prosecutor pa ang mga kasong isinampa na light threats, grave coercion, at paglabag sa Safe Spaces Act.
Inireklamo siya ni Mark Christian Ravana na diumano’y pinagtulungan ng grupo ni Awra.
Kahapon ay nagpasa na ng rejoinder si Awra at doon na nga pag-aaralan ng prosecutor kung may basehan ang pagsasampa ng tatlong kaso.
Naunang nagsampa ng counter charge si Awra laban kay Mark Christian
Inihain ang kaso sa Makati City Prosecutor’s Office.
Nauna na siyang kinasuhan ng slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority sa Makati dahil pa rin sa naganap na rambulan noong Hunyo 29 sa isang KTV bar sa Poblacion, Makati.
- Latest