^

PSN Showbiz

Arjo Atayde ­nominado sa asian ­content awards, Vic at Pauleen ­niregaluhan ng wedding memento ­sila Maine na gawa ng kilalang sculptor

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Arjo Atayde ­nominado sa asian ­content awards, Vic at Pauleen ­niregaluhan ng wedding memento ­sila Maine na gawa ng kilalang sculptor
Wedding memento

Nakakuha ng nominasyon si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor para sa Cattleya Killer, ang collaboration series ng ABS-CBN International Productions, Nathan Studios, at Prime Video, sa Asian Content Awards (ACA) 2023 na gaganapin sa Oktubre 8 sa Busan, South Korea.

Makakalaban ni Arjo, na gumanap bilang ahente na si Anton Dela Rosa sa serye, ang iba pang kilalang aktor na nagmula sa China, Thailand, South Korea, at Japan.

Bukod sa pagiging most watched series ng Cattleya Killer sa Prime Video matapos ang premiere nito, ito rin ang kauna-unahang Filipino produced drama series na ipinalabas sa Marché International des Programs de Communication o International Market of Communications Programs (MIPCOM) sa Cannes.

Ang Asia Contents Awards, na itinatag sa Busan, South Korea, ay isang taunang kaganapan na ipinagdiriwang ang mga tagumpay ng mahusay na nilalaman na ginawa para sa telebisyon, online, at OTT sa buong Asya.

Ngayong taon, nakipagsanib-puwersa ang ACA sa International OTT Festival at co-host naman ang Ministry of Science and ICT at Busan Metropolitan City.

Layunin nitong palawakin ang topograpiya nito mula sa Asya patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, makisabay sa pagbabago sa lumala­gong industriya ng media, at paghika­yat sa paggawa ng magandang domestic at international content.

Samantala, isang brass sculpture na wedding memento ang natanggap nina Arjo at Maine Mendoza mula sa mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa kanyang Instagram stories nitong Linggo ay pinasalamatan nito sina Bossing at Pauleen.  “Our wedding memento. Thank you so much, @pauleenlunasotto and bossing!” sey sa caption ng bagong misis sa kanyang IG story sa nasabing art piece na made of brass na may gold finish.

Gawa ito ng kilalang sculptor na si Ronald Castrillo na inspired sa mismong kasal nina Maine at Arjo noong Hulyo 28 sa Baguio. “We like to celebrate the unique nature of every single Castrillo piece using traditional techniques passed on generation to generation. All these are individually handmade and even though we make every effort to create only the best, natural blemishes and imperfections are what make each piece unique, captivating and rich in stunning details. Descriptions and measurements have been used to best portray the pieces. Our genuine process that focuses on precision, crafted with love,” ang message sculptor sa card sa wedding memento.

Suki sina Vic at Pauleen ng nasabing artist at may collection sila ng mga gawa nito.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with