^

PSN Showbiz

Bortang aktor ninakawan ng tseke ang dating ‘amo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hopia pa rin ang kaibigan naming fashionistang bading na babayaran siya ng P41K ng bortang aktor na may dyowang celebrity na bading.

Nakikilala na ngayon si bortang aktor dahil sa pagkaka-link niya kay kontrobersyal na bading. Kaya nabubuhay ang mga isyung nagawa niya noon.

Sabi ng kaibigan naming fashionistang bading, halos isang taon din daw tumira sa bahay niya itong si bortang aktor.

Mabait naman daw at masipag.

Tumutulong daw sa gawaing bahay at specialty nito ang paglilinis ng bahay.

Hinayaan ni bading na pumasok sibortang aktor sa kanyang kuwarto para maglinis.

Pero isang araw, nawindang si fashionistang bading nang napansin niyang nawala ang tsekeng ibinayad sa kanya, worth P56K. “Naka-pay to cash kasi ‘yun, kaya kahit sino puwedeng i-encash ‘yun ‘di ba?” kuwento sa akin ng fashionistang bading.

“Hanap ako nang hanap, wala talaga. Isa lang ang pinagdudahan ko, itong si bortang aktor kasi siya lang ang nakapasok sa kuwarto ko nung naglinis siya,” patuloy niyang kuwento.

Tamang-tama naman umuwi na si bortang aktor sa bayan niya. Kaya tinawagan niya itong si bortang aktor.

Diretsahan niyang sinabihang wala na siyang ibang pinagdudahan kundi ito. Tumatanggi raw ito. Ang ginawa ni bading, pina-trace niya ang tseke.

Nalaman niyang na-encash na ang tseke sa bangko malapit sa bayang sinilangan ni bortang aktor.

Confirmed na itong si bortang aktor ang kumuha. Kaya tinawagan niya ito uli.

Sinabihan niyang tanggap na niyang nagamit na ito ni aktor ang tseke. Pinakiusapan na lang niyang ibalik na lang ang natirang pera sa P56K.

Pagbalik ng Maynila ni bortang aktor, ibinalik daw ang P15K at nagsu-sorry raw sa kanya.

Doon na natapos ang kanilang ugnayan. Hanggang ngayon ay hindi na nagparamdam sa kanya si bortang aktor. “Okay lang ‘yun! Pero madatung na siya ‘di ba? Baka puwede na niyang ibalik ang remaining balance na P41K,” sabi pa ni fashionistang bading.

Itinanggi niyang nagkaroon sila ng relasyon ni bortang aktor. Wala raw talagang namagitan. Pero napangiti na lang siya nang tinanong ko kung nagkaroon ba ng tikiman.

Katumbas na kaya ‘yun ng 41 kyaw?!

Sen. Bong, may nililigawang napakalaking artista!

Nagsimula na si Senator Bong Revilla Jr. ng celebration ng kanyang 57th birthday na dati na niyang ginagawa.

Last Thursday ay nasa Strike Gym siya sa Bacoor City para sa kanyang taunang Dugong Buhay Pandugtong Buhay Bloodletting Project.

Nagpapasalamat siya sa mga kapulisan, at iba pang supporters na nag-donate ng kanilang dugo.

Nag-donate rin si Sen. Bong ng kanyang dugo, at  ang laging biro sa kanya ay ang suwerte naman kung sino ang masasalinan ng ‘dugo ng Panday.’

Nakakatuwa lang daw dahil ang dami pa ring tumutulong sa project na ito na nasa-14 years na.

Naitsika na rin sa amin ni Sen. Bong na kinakasa na raw nila ngayon ang malaking pelikulang gagawin niya kasama si Jillian Ward.

Pero meron pa raw silang isang kinakausap na isang malaking artista na magiging leading lady niya sa film project na ito. “Inaayos na namin ‘yung project with Jillian Ward at sorpresa kung sino ang aking magiging leading lady doon.

“Basta hintayin nyo na lang ‘yun kung sino ‘yung napakalaking artistang ito.”

Ang bilang daw niya naka-walong revisions na ang script dahil gusto raw nilang pagandahin talaga ito. “Basta maraming scrutiny sa script, sa istorya. Kailangan kasi espesyal ito e,” pakli naman ni Cong. Lani Mercado.

Parang inspired daw ito sa isa sa mga box-office hits ni FPJ na Isusumbong Kita sa Tatay Ko.

“May kinakausap kaming artista, malaking-malaking artista. Idol ko rin ‘to, nakasama ko na sa pelikula. Sana tanggapin n’ya ‘yung proyekto,” sabi pa ni Sen. Bong.

Ayaw niya talagang sabihin sa amin kung sino itong malaking artista.

vuukle comment

BONG

HOPIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with