Erik, si Zsa Zsa naa ng bagong nanay!
Ipinagdiriwang ni Erik Santos ang kanyang ika-20 anibersaryo sa music industry ngayong taon. Bilang selebrasyon ay gaganapin ang MilEStone The 20th Anniversary Concert ni Erik sa SM MOA Arena sa Oct. 6. Matatandaang nakilala ang singer simula nang manalo sa Star In A Million noong 2003. Malaki ang pasasalamat ni Erik sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanyang karera. “I just want to say na my singing career was born on this very exact stage dito po sa ASAP. Paulit-ulit ko pong sasabihin na ang ASAP po ang nagluwal sa aking singing career. Up until now, after 20 years, naririto pa rin po ako. Magkakasama pa rin po tayo. Napakaswerte ko at blessed ko na ise-celebrate ko po ito with the people I look up to, with our dear icons, with my friends in the industry, with my supporters, with my ASAP family at sa lahat po ng mga taong tumulong po sa akin sa pag-abot po ng aking mga pangarap,” paglalahad ni Erik.
Ayon sa singer ay talagang pangalawang ina ang turing niya kay Zsa Zsa Padilla na isa sa mga naging host ng Star In A Million. Malaking bahagi sa karera ni Erik ang Divine Diva pati na rin ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. “’Yun pong 20 years ko, si Nanay Zsa Zsa po talaga ‘yung isa sa pinakaunang nakasama ko. Kaya ang tawag ko po sa kanya Nanay. Kasi napakalaking bahagi po si Nanay Zsa Zsa sa aking career. Sobra niya akong ini-inspire at tinutulungan. Sa mga masasayang araw ko at kahit na matitinding pagsubok nandiyan ka for me. Tapos si Ate Reg at si Kuya Ogie, sila po ‘yung dalawang artists na no’ng nagsisimula po ako, nag-guest po sa akin sa isang major concert. May mga artist po na humindi po sa akin pero sila pong dalawa ‘yung nagpatikim po sa akin kung ano ‘yung pakiramdam na mag-perform sa Araneta Coliseum,” emosyonal na pahayag niya.
Naging inspirasyon din kay Erik noong kanyang kabataan sina Martin Nievera at Gary Valenciano. Madalas umanong kantahin ni Erik noon ang mga awitin ng Concert King at ni Mr. Pure Energy. “Dalawa po ‘yan sa pinaka-iniidolo ko. Growing up, ‘yung mga awitin nila ang aking inaawit kasama po ng aking tatay. My heart is so full of gratefulness, gratitude sa lahat po ng mga tumulong sa akin,” pagtatapos ng singer.
Andre, gusto ring maging miyembro ng bagong gwapings
Mapapanood ngayong araw sa TV5 ang May Minamahal episode ng For the Love series.
Pinagbibidahan ito nina Andre Yllana at Kim Baranda. Masaya ang baguhang aktor dahil nakapagbida na sa isang proyekto. “Nakaka-fulfill po, dati ayaw ko po siya talaga (ang pagiging aktor). Tapos ngayon gusto ko na po siyang mahalin. Happy po,” bungad ni Andre.
Ayon sa binata ay talagang nakararamdam siya ng pressure sa trabaho bilang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana. Kilalang mga magaling na artista ang mga magulang ni Andre. “Grabe po ‘yung pressure talaga kung tutuusin. Grabe po talaga ‘yung nakukuha kong pressure ngayon. Ginagawa ko na lang din siyang motivation. Sinasabi ko sa sarili ko na, ‘Hindi mo pwedeng ipahiya ‘yung sarili mo,’” pagtatapat ng aktor.
Nangangarap umano si Andre na muling magkaroon ng grupong Gwapings na kinabilangan nina Jomari, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez.
Talaga namang pumatok sa mga tagahanga ang naturang grupo noong dekada ‘90s. Nais ding makatrababo ni Andre ang mga magulang sa isang magandang proyekto. “Dalawa po ‘yung dream ko, maka-work si mama or si papa sa isang project. Ang isa ko pa pong dream, magkaroon ng bagong Gwapings, sana po,” pagtatapos ng baguhang aktor. (Reports from JCC)
- Latest