^

PSN Showbiz

Karen Davila ibinida anak na may autism matapos makapasok sa UP Diliman

Philstar.com
Karen Davila ibinida anak na may autism matapos makapasok sa UP Diliman
Litrato ng anak ni Karen Davila na si Dave
Mula sa Facebook page ni Karen Davila

MANILA, Philippines — Flinex ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila ang anak na si David sa unang araw niya sa University of the Philippines, ito habang pinupuri ang pamantasan sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga may kapansanan.

"PROUD OF YOU DAVID Wow! This day!! David, now a freshman at the UP College of Fine Arts for the Associate in Arts undergraduate program!" wika ng beteranang mamamahayag sa Facebook nitong Miyerkules.

"Last May 2023, David took the talent determination test along with hundreds of students at the UP Diliman campus. No parents allowed during testing. By June, we got the letter that David made it!"

 

 

Hunyo 2022 lang nang mapahanga ni David ang publiko matapos magdaos ng art exhibit kasama ang mga kaklase, ang kita ng nabanggit ay ibinigay nila sa Missionaries of the Poor.

Tinutulungan naman daw sa ngayon si David ng kanyang mga guro mula sa Vanguard para makapag-adjust sa buhay kolehiyo at kanyang mga klase.

"Preparing a child in the autism spectrum for college takes a lot of support & planning. Thank so much to my alma mater - UP DILIMAN, the officials of UPFCA for choosing INCLUSIVITY," dagdag pa niya.

"It is true, 'It takes a village to raise a child' Even more so, a child with needs. Thank you teachers, David is in college because of all of you.'"

Matatandaang taong 2020 nang isugod sa ospital si David pagkaraang mag-seizure sa Sorsogon. — James Relativo

AUTISM

COLLEGE OF FINE ARTS

KAREN DAVILA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with