^

PSN Showbiz

Kaori, komportable na sa halikan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kaori, komportable na sa halikan
Kaori Oinuma

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaranas si Kaori Oinuma ng kissing scene sa harap ng kamera. Katambal ng aktres si Jeremiah Lisbo sa Fractured na pinagbibidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin. “First time namin na on-screen. I mean on-screen lang naman. Ito na ‘yung pinakauna kong kissing scene on-screen. Ito ‘yung unang beses kong ipapakita sa lahat,” nakangiting bungad ni Kaori.

Para naman kay Jere­miah ay komportable na sila sa isa’t isa ng aktres nang gawin ang kissing scenes. Matatandaang nagkatambal din noong 2021 sa pelikulang Love At First Stream sina Kaori at Jeremiah. Mapapanood na simula Sept. 15 ang bagong iWantTFC series. “Marami kaming ginawang version para lang just in case may option para mag-connect sa plot ng story at magtugma sa characters namin. Parehas naman kaming tinanong bago ‘yung eksena. Wala eh, komportable na kami sa isa’t isa. Nakapagtrabahaho na kami before. Kaya napa-yes na kami,” kwento ni Jeremiah.

Ayon kay Kaori ay ibang-iba ang kanyang karakter na matutunghayan ng mga tagahanga sa naturang online series. Para sa dalaga ay malayung-malayo sa katotohanan ang kanyang personalidad sa bagong proyekto. “As a person talaga, ‘di talaga ako palaban. Papakita ko na lang sa ‘yo kung ano mangyayari sa akin. This time kasi sabi ko sa sarili ko, kung noon ‘di ako lumalaban buong buhay ko kahit gustung-gusto ko na lumaban, dito ko siya ilalabas. Gano’n ‘yung ginawa ko, release din siya. Buong buhay kong kinikimkim na sama ng loob, lalaban ako,” pagbabahagi ng aktres.

Ruru, ten years bago ulit nakasama si Yassi

Simula Sept. 20 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Video City (Be Kind, Please Rewind) na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at Ruru Madrid. Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang huling nagkatrabaho ang dalawa ayon sa aktor. “Working with Yassi, I didn’t expect na ganito po ‘yung magiging samahan namin, ‘yung friendship namin. I worked with her 10 years ago sa GMA 7, ‘yung Dormitoryo. Then matagal kaming hindi nagkita pero lagi ko pa rin siyang napapanood sa mga pelikulang ginagawa niya. And I’m very, very proud sa kanyang achievements in life,” paglalahad ni Ruru.

Para sa binata ay wala pa ring mga pagbabago sa aktres mula noon pa man.

Ayon kay Ruru ay talagang magaan na katrabaho si Yassi. “Gano’n pa rin siya. Siya pa rin ‘yung Yassi na nakilala ko dati. Siya pa rin ‘yung Yassi na nagbibigay ng liwanag sa lahat. Kapag nandiyan siya, masaya lahat,” giit ng aktor.

Sobrang mapagbigay bilang aktres si Yassi para kay Ruru. “Very talented, very generous hindi lang sa pagkain na ibinibigay niya sa set kundi sa emosyon na ibinibigay niya sa bawat eksena na ginagawa namin, I’m very lucky na finally nakatrabaho ko ulit si Yassi,” pagtatapos ng binata. — Reports from JCC

ACTRESS

KAORI OINUMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with