^

PSN Showbiz

Ivana sabik sa action, Coco pinagsabay ang dalawang babae!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ivana sabik sa action, Coco pinagsabay ang dalawang babae!
Ivana Alawi at Coco Martin

Nagpapasalamat ang Primetime King na si Coco Martin sa mga taga-su­baybay ng FPJ’s Batang Quiapo kung saan nakakuha na ng higit 10 milyong online views ang trailer para sa bagong yugto ng serye sa ilalim ng 24 oras.  “Pi­nipilit namin gumawa ng palabas na alam namin mapaliligaya ang mga manonood gabi-gabi. Ayoko kasing tipirin ‘yung mga manonood natin. Na-aappreciate ko kasi ‘yung pagmamahal nila,” sabi ni Coco.

Pinuri rin ni Coco ang dedikasyon ng kanyang mga co-star sa serye, kung saan kabilang sina Jaclyn Jose at Ivana Alawi sa mga bagong karakter na papasok sa buhay ni Tanggol (Coco).

“Masaya ako kasi nakikita ko ‘yung suporta ng mga kasamahan kong artista sa bawat eksenang ginagawa namin. Nagpapasalamat ako dahil itong teleserye ang nagiging daan para makapag-communicate tayo sa mga tao at nakakapagbigay tayo ng saya at inspirasyon gabi-gabi,” sabi pa ni Coco.

Nagpatikim din ang FPJ’s Batang Quiapo para sa bago nitong yugto sa isang pasabog na trailer kung saan ito ang unang beses na naglabas si Coco ng isang trailer ng bagong season para isang TV series.

Isa sa mga kaabang-abang na rebelasyon ang paghaharap ng dalawang babae sa puso ni Tanggol na sina Mokang at Bubbles (Ivana).  “I’m just so happy sa different turn of events especially when we shot the trailer. I’m so excited to share the screen with these wonderful actors and I’m so excited din to do scenes with Ivana,” ani Lovi.

Pagbabahagi naman ni Ivana, sabik na sabik na siyang sumabak sa action scenes bilang isang tindera sa umaga at tirador naman sa gabi.

“Super excited because it’s my first time to do this kind of character and also mag-action. Abangan niyo ang totally different Ivana and a totally different character sa lahat ng na-play ko. This is really something new and something na ma-eenjoy niyo,” saad niya.

Lubos din ang pasasalamat ni Jaclyn na makatrabaho ang star-studded cast ng FPJ’s Batang Quiapo tulad nina Charo Santos, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, at iba pang bigating artista.

“Kapag hindi ako naparang hindi kumpleto ‘yung pagiging artista ko. Kailangan namin makasabay, kung ‘di man namin mapantayan, ‘yung taas ng lahat ng mga karakter na nandito dahil talaga naman bawat character ay lumalaban,” sabi niya.

Samantala, naka-abang na ang netizens sa bagong yugto ng serye pagkatapos mag-trending sa social media ang ilang mga pasilip na eksena. Viral na nga ang isang post ng Klasik Titos and Titas of Manila tungkol sa “rag-to-riches” na kwento ni Susan Africa na nakakuha na ng 163,000 likes at iba’t ibang memes.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

COCO MARTIN

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with