^

PSN Showbiz

Gello Marquez, may debut album na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gello Marquez, may debut album na
Gello
STAR/ File

Inilunsad na ng Idol Philippines season 1 alumnus na si Gello Marquez ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Star Music.

“Dati nangangarap lang ako na magkaroon ako ng sariling kanta, ngayon album pa ‘yung ibinigay. Sobrang overwhelming para sa akin na nangyayari ang lahat ng ito,” saad ni Gello sa naganap na album launch last week.

May pitong Tagalog songs sa kanyang album kasama ang Hanap Kong Baby, Kumot At Unan, Duda-duda, Kaibigan, Teddy Bear, Torpe, at ang unang single niya na Penpen na inilabas noong Agosto.

Napili niya ang mga awitin dito base na rin sa pagkahilig niya sa mga lumang kanta.

“It’s a modernized version of old songs kasi sobrang love ko ‘yung mga lumang kanta,” ani pa Gello sa mga awitin sa kanyang album.

Sa kantang Penpen, ikinukumpara ng He’s Into Her at Love Bites actor ang pag-ibig sa larong Pinoy na Penpen de Sarapen. Isinulat ito nina Allan G. Alveyra Jr. at Karl James Fabregas.

Sa inilabas naman na Penpen music video, nakasama ni ya ang BGYO member na si Akira Morishita at dating Pinoy Big Brother Otso housemate na si Ashley del Mundo sa isang love triangle story kung saan sinusubok niyang itago ang nararamdamang pag-ibig.

Mapapakinggan na ang debut album ni Gello sa iba’t ibang music streaming platforms.

GELLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with