Chair Lala, pinepersonal sa desisyon ng MTRCB sa Showtime
Naging personal na at may body shaming pa ang mga panlalait kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio.
Ito ay sa kabila ng paliwanag na hindi siya sumali sa adjudication committee pero patuloy pa rin siyang sinisisi at pinagdiinang katapat kasi ng E.A.T. na programa nina Tito, Vic and Joey ang It’s Showtime kaya pinag-iinitan daw ito.
Malinaw ang paliwanag ng chairman ng Adjudication Committee ng MTRCB na si Atty. Paulino “Sonny” Cases Jr. nang nakapanayam ni Cheryl Cosim ng One Balita Pilipinas kung paano umabot sa ganung desisyon.
Kapag nakarating daw ang complain mula sa monitoring inspection unit sa legal division, ipinaparating ito sa Chairman at kung may basis daw ang reklamo saka ito dadalhin sa adjudication committee.
Pagkatapos daw ng deliberation ng adjudication committee, magbobotohan na sila at kung ano ang napagdesisyunan ng committee, final na at hindi na ito mababago ng Chairman ng naturang ahensya.
Sinabi pa ni Atty. Cases na hindi kasali sa 30 members ng adjudication committee si Chair Lala.
Wala siya sa botohan at ang napagdesisyunan daw sa kaso ng It’s Showtime ay majority ang bumoto na dapat itong isuspinde.
Sa 30 na members ay 26 daw ang bumoto na isuspinde.
Kung sakaling nag-tie ang botohan, saka lamang daw ito ibi-break ng Chairman MTRCB na si Chair Lala.
Unanimous ang decision, kaya’t walang naging participation si Chair Lala.
“Diverse ‘yan. Kanya-kanyang pananaw ‘yan. Kanya-kanyang appreciation ng facts at saka ‘yung application ng batas. So, you cannot say na isang tao lang ang magsasabi what to do. Diverse nga e,” pahayag ni Atty. Cases.
Nagbigay ng opinyon ang Department of Broadcast Communication ng University of the Philippines, pati ang dating Chairman ng MTRCB na si Atty. Toto Villareal, at nirerespeto raw ‘yun ng committee.
Sabi nga ni Atty. Cases, lahat naman ay may karapatang magbigay ng kanilang opinyon. Pero hindi lang daw tama na ibintang lahat ng sisi kay Chair Lala Sotto-Antonio.
“It’s quite unfair to bash or blame her or even to call her for resignation.”
Mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong ito ng MTRCB laban sa It’s Showtime.
Magsusumite pa sila ng Motion for Reconsideration at iaapela pa sa Office of the President sa loob ng 15 days, at puwede pang paabutin hanggang sa Supreme Court.
Kaya hindi pa raw final ang desisyong ito sa It’s Showtime. Mapapanood pa rin ang It’s Showtime na minsan ay pumitik-pitik pa rin ang hosts.
Nung kamakalawa lang ay naikalat din ang isang tagpo roon na tinawag ni Vice Ganda na ‘asawa ko’ si Ion Perez.
Sinabi pa niyang “tuluy-tuloy lang ang pag-iibigan! Walang makakapigil.”
Humirit pa siyang, “Nakapag-mass report na ba ang lahat?” Ginagawa pa nilang joke ang suspension at meron pang patutsada minsan.
Ang dating tuloy sa iba ay parang ang yabang pa rin ng dating.
Erwin Tulfo, nagpramis na ‘di na magmumura sa kanyang programa
Naging maingat na ngayon ang ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa mga sasabihin niya lalo na ngayong nagbabalik telebisyon siya sa programang Punto Asintado Reload sa PTV 4 na kung saan ay kasama pa niya rito si Aljo Bendijo.
Iiwasan na raw niya ang pagmumura kapag meron siyang binabanatan sa isang isyung pinag-uusapan.
Para kay Cong. Erwin parang blessing in disguise itong pagkalipat sa kanya sa Kongreso mula sa pagiging DSWD Secretary, dahil mas natutukan niya ang pagawa ng batas at tuloy pa rin naman daw ang kanyang public service sa kanyang programa sa PTV 4.
“Kasi sa executive, you keep on performing. You have to be on the ground. Dito naman hindi e. We just summon them. Call them in your office and ask them what’s wrong. Kung ano ‘yung nangyari bakit hindi nagagawa ito. You can do that. You have that power,” saad ni Cong. Tulfo.
Nilinaw niyang wala siyang suweldo dito sa kanyang programang Punto Asintado Reload, dahil bawal sa kanila bilang public servant.
Tiniyak na rin niya sa aming tuloy na ang pagkakarooon ng Wowowin ni Willie Revillame sa PTV 4 at pati sa IBC 13.
- Latest