^

PSN Showbiz

Pasko ngayong taon, hindi pa dama!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Talagang nakaka-tamad ang panahon ngayon. Sobra ang ulan at parang tatamarin kang tumayo sa pagkakahiga.

Ewan ko kung paano nakakapag-trabaho ang karamihan sa ganitong panahon lalo na at nagdeklara ng class suspension ang mga eskwelahan kahapon.

Talagang kundi lang importante ayaw ko na rin pumunta sa dialysis session ko. Pero buti nga at nauuna na ang masamang panahon ngayon at maging maganda na sana sa December.

Dahil killjoy naman kung sa Pasko ganito ang panahon na may mga bagyo.

Hay naku, ta­lagang mami-miss ko na ang mga happy December dahil na rin sa kakaibang mga pangyayari ngayon.

Lalo pa nga at hindi mo nadarama iyon dating hustle and bustle ng mga production sa paggawa ng festival movies.

Ngayon wala akong idea kung may sasali sa filmfest dahil tahimik lang lahat.

Sana naman maging maganda pa rin ang Kapaskuhan para sa atin.

Huwag naman sana mabago ang excitement ng tao sa pagdiriwang ng Kapanganakan ni Jesus.

Idasal natin ang mas maganda at matatag na kinabukasan para sa lahat. Ngayon pa lang, Merry Pasko na ang bati ko sa inyong lahat.

Finale...

Bongga, finale na pala ng Voltes V: Legacy this September 8!

Magtatagumpay kaya ang Earth’s last line of defense o tuluyan nang matatalo ng Boazanians ang Voltes V?

Mixed emotions naman ang diehard fans para sa finale week ng live-action adaptation! May mga nase-sepanx, habang mayroon din namang excited sa mga sorpresang hatid ng primetime series ng Kapuso network.

Tutukan ang huling limang gabi ng Voltes V: Legacy, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

GTV

PASKO

VOLTES V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with