^

PSN Showbiz

GMA news anchor na si Mike Enriquez pumanaw sa edad na 71-anyos

James Relativo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines (Updated 8:20 p.m.) — Namaalam na ang beteranong Kapuso news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez matapos mamatay sa edad na 71-anyos.

Ang balita ay kinumpirma ngayong Martes sa dulo ng broadcast ng "24 Oras." Yumao siya ngayong araw, ika-29 ng Agosto.

"Malungkot pong ibinabalita ng GMA Network ang pagpanaw ng aming minamahal na Kapuso at kaibigan na si Mike Enriquez. Siya po ay 71 taong gulang," ulat ng mangiyak-ngiyak na si Mel Tiangco.
 

 

MANILA, Philippines — Namaalam na ang beteranong Kapuso news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez matapos mamatay sa edad na 71-anyos.

Ang balita ay kinumpirma ngayong Martes sa dulo ng broadcast ng "24 Oras."

Ngayong hapon lang nang mag-Instagram reel ng kandilang may itim na background ang kapwa niya Kapuso news anchor na si Arnold Clavio. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 

"Si Mike po ay halos dalawang dekada nating nakasama gabi-gabi dito sa '24 oras.' Mahigit 20 taon din siyang naging host ng public affairs program na imbestigador."

Nagsilbi rin siya bilang presidente ng RGMA Network Inc. at senior vice president and consultant for radio operations ng GMA Network.

Taong 1969 pa nang sumabak siya sa industriya ng broadcast at naging bahagi ng GMA Network noong 1995. Naging bahagi rin siya ng dzBB.

"Mahigit 50 taon nang buong-pusong naglilingkod sa mga manunuod at tagapakinig si Mike na nagsimula sa industriya noong 1969," dagdag ni Tiangco.

"Nagluluksa po ang Board of Directors, management, at empleyado ng GMA Network Inc. sa pagpanaw ni Mike."

Wala pa namang isinasapublikong dahilan sa kanyang pagkamatay.

Pagbuhos ng pakikiramay

Ngayong hapon lang nang mag-Instagram reel ng kandilang may itim na background ang kapwa niya Kapuso news anchor na si Arnold Clavio. 

Pareho-parehong nagpakita ng pagdadalamhati, panalangin at kalungkutan ang mga kapwa nila reporter sa GMA na sina Nelson Canlas, Oscar Oida, Connie Sison at Julius Segovia sa post kahit na wala pang pinapangalanan.

Taong 2022 lang nang kumalat ang balitang pumanaw na si Mike Enriquez matapos ang mahabang pagkawala sa GMA News program na "24 Oras," bagay na napatunayang peke.

Disyembre 2021 lang nang humingi ng panalangin si Mike matapos mag-medical leave. Marso 2022 naman nang magbalik siya sa mga programa matapos ang  matagumpay niyang kidney operation.

Nakilala nang husto sa GMA-7 si Enriquez dahil sa Kapuso newscasts atbp. palatuntunan sa radyo gaya ng "Saksi," "24 Oras," "I-Witness" at "Imbestigador."

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with