^

PSN Showbiz

Ricky at Gina, nagpakilig kahit mga senior na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ricky at Gina, nagpakilig kahit mga senior na
Ricky Davao at Gina Alajar

Ang sayang panoorin ng pelikulang Monday First Screening ng Net 25 Films, ang kauna-unahang pelikula ng film arm ng network.

Nakakakilig lang ang kwento pero para sa ibang henerasyon - na pinagbibidahan nina Ricky Davao and Gina Alajar.

Ipapakita rito na ang paghahanap ng true love, ang halaga ng pakikisama, at ang pagbibigay ng second chance. At wala sa edad ang pagmamahal.

Sa totoo lang, ang lakas ng kilig sa dalawang mahuhusay na senior stars.

Hinintay na maayos ang schedule nila para sa pelikulang ito ni Direk Benedict Mique.

How does it feel na leading lady ka ni Ricky Davao? Tanong kay Gina.  “Of course I’m so grateful, I’m so proud kasi magkaibigan naman kami ni Ricky, I’m so relaxed with him. Thankful ako dahil napili kami para pagbidahan ang pelikula.

“You know, come to think of it, sa dinami-rami na rin ng mga senior citizen na kaedaran namin sa industriyang ito, kami ang napili,” bulalas ni Ms. Gina nang makausap namin bago nag-umpisa special celebrity screening ng pelikula last Monday.

Kaya naman ayon sa mahusay na actress, wala siyang second thought na gawin ito. “Hindi ako nag-second thought kasi alam ko na bihirang mabigyan ng pansin ang ganitong klase ng istorya. Because first of all, ‘di ba, hindi naman syempre superstar, I mean ‘yung artista ‘pag nandito na sa ganitong edad, ‘di ba. Lagi tayong nandun sa kabataan. We’re not given na rin talaga na mga opportunities to be the lead stars of movies,” pag-amin pa ng actress / director na 64 years old na sa totoong buhay.

Naalala mo pa kung kelan ka huling nagbida sa pelikula? “Wow, tagal na,” singit ni Ricky.

“Ah ako naman, Madilim ang Gabi, a movie by Adolf Alix. Pero’yung mga may romcom na ganito, loveteam. At saka hinintay si Ricky, totoo ‘to, kadugtong dun sa sinabi kong sa dinami-rami ng mga artista na kaedaran namin, kami ‘yung napili, di ba, kaya grateful ako na sa amin napunta ‘yung role. Kasi si Ricky that time was so busy. He was directing TV drama, a serye, nasa malayong lugar siya, hinihintay siya talaga (directing Seed of Love).”

Bakit hinintay si Ricky?

“Siguro magkamukha kami or what. Basta sabi niya maganda raw ‘yung pairing kaya parang wala siyang ibang choice kundi si Ricky,”  pag-alalala ni Ms. Gina sa interview namin na ang tinutukoy ay si Wilma Galvante na consultant sa pelikula.

At nang tanungin si Ricky kung anong masasabi niya na may loveteam sila ngayon, anong pakiramdam?

“’Yung feeling na bida kami ni Ms. Gina Alajar tapos nung binasa ko ‘yung material, ang ganda. Tapos I felt so important na Net25, sila Ms. Wilma Galvante, sila direktor Benedict Mique waited for us kasi ako, I was directing something for GMA, same thing with Gina, may ganon and they really waited for us. So nagkaroon talaga ng chance, isang bagsakan ganon, eksakto. Tapos ang kasama pa namin napakagagaling na artista, sila Ruby Ruiz, si Soliman Cruz.”

Sa totoo lang ang ganda ng pelikula. Kakaiba sa mga usual romance-comedy film na hindi mga senior star ang bida.

Hindi mo aakalaing magkakaroon ka ng kilig sa kanilang love story na nabuo sa panonood ng libreng sine tuwing Lunes kung saan walang bayad ang mga senior citizen.

Mapapanood ang pelikula sa 100 cinemas nationwide beginning Aug. 30.

Distributed ang Monday First Screening ng Regal Films at ayon mismo kay Mr. Caesar Vallejos, President of Net 25, nabili na ang pelikula ng sikat na streaming app.

ACTOR

ACTRESS

GINA ALAJAR

RICKY DAVAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with