^

PSN Showbiz

AJ sumumpang ‘di homewrecker... ‘I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko’

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
AJ sumumpang �di homewrecker... �I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko�
AJ
STAR/ File

Kinakati ang dila sa totoong third party...

“Magsasalita ako ngayon, kasi sobra na, sobra na ang sinasabi ng mga tao. May nabasa ako, hindi ko na sasabihin ang exact words niya, pero dinadamay na ‘yung buong pamilya ko,” umpisa ni AJ Raval habang hinihingal at naglalakad sa Canada na super lamig daw.

Kahit nga kasi anong paliwanag at kahit nabanggit na ni Kylie Padilla na hindi talaga siya ang third party sa kanilang hiwalayan ni Aljur Abrenica, hindi pa rin tinitigilan ang sexy star.

Tinatawag siyang kabit, homewrecker, mang-aagaw, makasalanang babae, haliparot etc. etc.

Pero sumusumpa si AJ na wala siyang nilokong tao o inagrab­yado.

Nilinaw niya na hiwalay na ang mag-asawa nang pumasok siya sa eksena.

In fact, matagal daw siyang niligawan ng aktor na nakilala niya nang gawin nila ang pelikulang Nerissa.

Sa umpisa raw ay “kuya” pa ang tawag niya rito pero hindi nagtagal ay niligawan na siya ni Aljur.

Dahil inosente raw siya hindi niya alam na tinatago pala ang ganun kaya sa isang interview inamin niya na nanliligaw ang actor.

At doon na pumutok ang intriga.

“Tinanong ko siya, paano ‘yung wife, paano ‘yung family. Sabi niya sa akin,  okay lang ‘yun, hiwalay na talaga sila, may partner na rin si Kylie that time. So, nag-go ako,” kwento pa ng sexy star habang naglalakad nga sa malamig na klima ng Canada kung saan sila nagbabakasyon ng aktor.

“I swear to God, mamatay man ang buong pamilya, wala kaming nilokong tao,” sumpa niya.

“So, ang sinasabi ko lang dito, ‘di baleng tawagin n’yo na akong kabet and all, siguro ‘yun ang tingin sa akin ng ibang tao dahil kasal nga si Aljur, pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon, mamatay man ang buong pamilya ko ngayon, nag-start ‘yung relationship namin nang wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao. Ganu’n nag-start ‘yung relationship namin,” pag-uulit ng anak ng aktor na si Jeric Raval.

Dagdag pa niya.  “Ayokong mag-name drop pero kilala ko kung sino ‘yung totoong babaeng involved talaga sa panloloko nilang dalawa sa relationship nila,” sabi pa niya.

“Wala kaming nilokong tao, ikamatay man ng pamilya ko, wala kaming nilokong tao,” ulit niya pa.

Ilang beses niya ring inulit na kilala niya ang girl na naging dahilan ng pagkawasak ng relasyon ng mag-asawang Aljur at Kylie.

Kinakati raw ang dila niyang pangalanan ito pero napigilan niya pa rin.

Pakiusap niya rin na tigilan na ang pangba-bash sa kanya at maging kay Kylie.  “Tama na guys (ang pamba-bash). Saka pakinggan n’yo si Kylie. Tama na ‘yung pagta-tag sa kanya, nananahimik ‘yung tao, ini-stress n’yo. Ini-stress n’yo lahat.

“Alam n’yo kung sino ang atakehin n’yo? ‘Yung talagang taong gumawa ng kasalanan sa kanila.

“Saka enough na please, enough na du’n sa mga baby-baby issue and buntis and all. Hindi nangyari ‘yun, okay? Walang ganu’n. Hindi ako nakakapagsalita, dito lang sa live ko, sa page ko, kasi hindi talaga ako nabigyan ng chance na magsalita, na protektahan ‘yung sarili ko,” pagpapatuloy ni AJ habang tuloy ang paglalakad at hinihingal dahil may sipon daw siya at nagkasakit sa lamig.

Wala rin daw sugarcoating ang mga sinasabi niya at ganun siya sa totoong buhay.

Pinipilit siya ng ibang followers na mag-name reveal ng sinasabi niyang totoong third party pero ‘wag na raw.

Sinabi rin niyang last July 2022 lang din sila naging official ng actor.

Sana ay makatulong ang paglilinaw ni AJ sa kanilang pelikulang Sugapa ni Aljur na ipalalabas sa Vivamax.

vuukle comment

AJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with