EA, may gagawing kakaiba
Magbibida si Edgar Allan Guzman sa pelikulang Karnabal. Gagampanan ng aktor ang isang lalaking magbabalak na tumalon mula sa isang billboard sa kahabaan ng EDSA.
Aminado si EA na talagang mahihirapan siya sa gagawing proyekto dahil mayroon siyang fear of heights. “Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin ‘yung takot ko. Malululain ako at takot ako sa matataas na lugar. Kahit sa mall sa escalator lang habang umaakyat nakatingin lang ako sa ground. Kahit sa ferris wheel ‘pag nakatigil nagwawala ako. Para sa akin it’s about time na gumawa talaga ako ng kakaiba, na masasabi na kakaibang gagawin ko. Hindi din naman ako bumabata so naghahanap din ako ng kakaibang gusto kong gawin. So ito na ‘yung tamang project,” pagbabahagi ni EA.
Bilang preparasyon para sa bagong pelikula ay kinakailangan daw ihanda ng aktor ang sarili. Nakatakdang pumunta ni EA sa mga matataas na lugar upang masanay nang tanawin kung ano ang mayroon sa ibaba. “This is very challenging for me and I’m looking forward na ma-experience ko ‘yon. Kailangan ko munang i-ready ‘yung sarili ko. Sanayin ko na ‘yung sarili ko na pumunta sa lugar na matataas. ‘Yon ang kailangan kong gawin. I’m excited rin kung ano ‘yung magiging resulta ng pelikula na ito kasi napakagandang materyal,” pagdedetalye ng binata.
Isang malaking karangalan para kay EA na makatrabaho ang ilan sa mga pinakamagagaling ng artista sa bansa. Kabilang sa bagong pelikulang gagawin ng direktor na si Adolf Alix, Jr. sina Gina Alajar, Ricky Davao at Jaclyn Jose. “Ang sarap kasi sila ‘yung mga kasama ko. It’s my first time to work with direk Gina. Si direk Ricky ilang beses na kami nagkatrabaho. And first time ko din makakatrabaho si Ms. Jaclyn Jose. So ang sarap lang sa feeling kasi alam naman natin kung gaano sila kahusay. Excited ako at the same time natatakot pero naiisip ko na lang ‘yung mga taong nakapaligid sa akin sa pelikulang ito. So I’m sure na talagang magagawa namin na tuluy-tuloy at one take lang na shoot,” pagtatapos ng aktor.
Abby at Jomari, ‘di makakain ‘pag hindi magkasama
Masayang-masaya sina Abby Viduya at Jomari Yllana sa kanilang relasyon. Matatandaang ang aktor din ang kauna-unahang naging kasintahan ni Abby magtatatlong dekada na ang nakalilipas. Nakatakdang magpakasal nina Abby at Jomari na darating na Nobyembre. Hindi raw inakala ng aktres na sila pa rin ang magkakatuluyan ni Jomari sa huli. “Never, never in my wildest dreams. It’s a mutual decision. Maybe because we cannot be without each other. Like we can’t sleep apart. We can’t eat meals if we’re not together, pareho kami. Hindi siya makakain ‘pag hindi ako kasama and hindi ako makakain ‘pag ‘di ko siya kasama. So it’s a given na,” nakangiting pahayag ni Abby.
Sa Las Vegas gaganapin ang civil wedding ng magkasintahan. Nagpaplano rin sina Abby at Jomari na magpakasal sa simbahan sa mga susunod na taon. “The church wedding will either be in 2024 or 2025. We wanted Vegas, actually it’s funny kasi ang gusto namin ang magkakasal sa amin si Elvis. Kasi Jom used to say to me, ‘Can’t help falling in love with you.’ It’s going to be very simple lang. It’s just a few family members. Sa honeymoon, we were discussing either Paris or in Jerusalem,” pagdedetalye ng aktres.
Nangangarap si Abby na muling magkaroon ng maraming proyekto sa show business. Ayon sa aktres ay kinakailangan niya rin munang magpapayat bago tuluyang sumabak muli sa pag-arte sa harap ng kamera. “I do work every now and then sa showbiz. But now I used to shed some pounds. Kasi during the pandemic, ang sarap kumain. That’s the only thing you could do eh. Let me lose some weight muna,” natatawang pagtatapos ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest